GMA Logo Jak Roberto
What's on TV

Jak Roberto, may swabeng hirit sa 'Sexy Babe' contestant na si Jillian

By Dianne Mariano
Published January 28, 2025 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope calls for 'just and lasting peace' after meeting Ukraine's Zelenskiy
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Ano kaya ang masasabi ng Kapuso hunk actor na si Jak Roberto sa Sexy Babe contestant na si Jillian?

Napanood ang Kapuso star na si Jak Roberto sa It's Showtime nitong Lunes (January 27) bilang guest judge sa segment na “Sexy Babe.”

Bilang judge, nagbigay ng kanyang komento si Jak para sa contestant na si Jillian Ysheen Cruz. Ayon sa Kapuso hunk, plus points para sa kanya ang mayroong may takot sa Diyos.

“'Yung physical appearance kasi given na, parehas silang sexy, sobrang hirap mamili. Pero mas nag-stick ako doon sa personality and napakahalaga sa akin na may takot sa Diyos dahil sinabi niya, nagse-senakulo ka 'di ba? Nag-senakulo rin kasi ako bilang Christ naman sa San Pablo. Para sa akin, plus points sobra,” sabi ni Jak.

Hirit pa niya, “Ano 'yung kinanta mo kanina? Kung magiging sa'yo ako, hindi na ako luluha pa? Joke lang, joke lang. Sakto, Jak and Jill.”

Nag-react naman ang hosts sa swabeng hirit ng aktor. Ani ng actress-host na si Kim Chiu, “Iba talaga si Jak, swabe.”

Dagdag ni Jhong Hilario, "Grabe, Jak and Jill went up the hill."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

ALAMIN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA NAKISAYA SA IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.