advertisement
Celebrity Life

Pinoy celebrities na may dugong Chinese

1 of 28

David Licauco

Bago pa man siya sumabak sa acting, una munang nakilala ang Kapuso heartthrob na si David Licauco nang sumali siya sa Mr. and Ms. Chinatown noong 2014.

1 of 28

Ken Chan

Inamin ng 'My Special Tatay' star na si Ken Chan sa panayam ng 'Power House' na ang pamilya niya ay Buddhist.

2 of 28

Kisses Delavin

May dugong Chinese rin ang aktres na si Kisses Delavin. Chinese ang kanyang ina samantalang half-Spanish, half-Filipino naman ang kanyang ama.

advertisement
2 of 28

Bea Binene

Kinahiligan ni Bea ang wushu, isang Chinese martial art.

3 of 28

Kris Bernal

Chinese rin ang nanay ni Kapuso actress Kris Bernal.

3 of 28

Kim Chiu

Proud si Kim sa kanyang Chinese roots, at kilala siya sa showbiz bilang Chinita Princess.

advertisement
4 of 28

Yasmien Kurdi

May dugong Chinese rin ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi dahil sa kanyang ina.

4 of 28

Chris Tiu

Sa litratong ito, nag-pose si Chris kasama ang litrato ni Tiu Hun Chiong (middle frame), ang kanyang great grandfather na nagsilbing ika-limang principal ng Tiong Se Academi, ang una at pinakamatagal nang itinayong Chinese school sa bansa.

Inanunsyo sa social media ni Chris na siya ay magre-retiro sa paglalaro ng basketball. Huling team sa PBA ng 'iBilib' host ang Rain or Shine Elasto Painters.

5 of 28

Mike Tan

May halong Chinese blood rin ang aktor na si Mike Tan.

advertisement
5 of 28

Rachelle Ann Go

Siya ay may Chinese-Filipino roots at ngayo'y base sa London bilang theater performer sa West End. Talagang woman of the world si Shin!

6 of 28

Richard Poon

100% Chinese naman ang singer na si Richard Poon.

6 of 28

Joyce Ching

Sa 'Hahamaking Ang Lahat,' ang kasulukuyang programa na pinagbibidahan ni Joyce, pinapakita ang ilang mga pagsubok ng relasyong Filipino-Chinese.

advertisement
7 of 28

Jose Mari Chan

Imigrante mula Fujian, China ang ama ng singer na si Jose Mari Chan.

7 of 28

Xian Lim

Kapag Chinese New Year, pumupunta raw si Xian sa Binondo para sa mga charms na kailangan niya.

8 of 28

Alodia Gosiengfiao

Chinese-Filipino ang ama ng kilalang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.

advertisement
8 of 28

Enchong Dee

Proud daw si Enchong na maging isa sa mga celebrities na kumakatawan sa Chinese-Filipino community dito sa bansa.

9 of 28

Tim Yap

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Tim Yap kung bakit tingin ng maraming tao sa mga Chinese na katulad niya ay mayaman.

9 of 28

LJ Reyes

Lumaki man sa mga Chinese traditions si LJ tulad ng feng shui at lucky charms, mas pinaniniwalaan niya ang awa at grasya ng Panginoon.

advertisement
10 of 28

Heart Evangelista

Parte si Heart ng Ongpauco clan, ang may-ari ng Barrio Fiesta Group of restaurants.

11 of 28

Dennis Trillo

Hindi alam ng nakararami na ang full name ng Kapuso hunk na ito ay Abelardo Dennis Florencio Trillo Ho.

12 of 28

Slater Young

Ang model, actor at engineer na si Slater ay mula sa isang Chinese family na naka-base sa Cebu.

advertisement
13 of 28

Kris Aquino

Ang ina ni Kris na si former President Cory Aquino ay mula sa Cojuangco clan ng Tarlac.

14 of 28

Richard Yap

Si Richard ay isang full-blooded Chinese na pinanganak at lumaki sa Pilipinas.

16 of 28

Teng brothers

Matapos magpasiklab sa UAAP ang Teng brothers na sina Jeron at Jeric, ngayon naman gumagawa sila ng pangalan sa professional league na PBA. Parte ng Alaska Aces si Jeron Teng, samantala free agent si Jeric Teng matapos ang kontrata niya sa Kia Picanto. Ayon sa panayam nila sa isang website, sinabi ng magkapatid na mayroong silang Chinese roots at may mga sinusunod silang tradisyon tulad nang pabisita sa mga templo at tumatalima sila sa feng shui.

advertisement
17 of 28

Janeena Chan

Naging host ng Chinoy TV and Sparkle influencer na si Janeena Chan.

18 of 28

Edgar Allan Guzman

Ang 'Dragon Lady' star na si Edgar Allan Guzman ay may lahi ring Chinese galing sa kaniyang ama.

18 of 28

Nikki Co

Kinakikiligan naman ng mga girls ang One Up heartthrob na si Nikki Co na two thirds dugong Chinese.

advertisement
20 of 28

Kimson Tan

Mula sa isang Filipino-Chinese family ang Sparkle actor na si Kimson Tan. Sa katunayan, marunong itong magsalita ng Mandarin at nag-aral sa isang Chinese school noong elementary hanggang high school.