Celebrity Life

DongYan is Brangelina of the Philippines– Roxee B

By CHERRY SUN

Hindi maikakaila ang saya at excitement ni Roxanne Barcelo o Roxee B para sa pag-iisang-dibdib ng kanyang matalik na kaibigan na si Marian Rivera at ni Dingdong Dantes.

Aniya, “Ako personally sobrang excited talaga ako for her to get married kasi it’s about time. They’re the perfect couple. Kumbaga, kung may Brangelina sa Hollywood, meron tayong Marian and Dong dito sa Pilipinas.”

Kamusta kaya si Roxee as one of Marian’s maids-of-honor?

“Si Yanyan kasi sobra siyang hands-on with anything and everything. Kumbaga, sobra siyang hands on to a point na wala na kaming kailangan gawin minsan. Gumagawa na lang kami ng way to just be there for her or if may mga struggles or whatever, nandyan lang din kami para sa kanya,” kuwento niya.

“Ito naman, gift namin ‘to para sa kanya. Si Ana was also kumbaga, in spirit tumutulong siya behind the scenes for this as well,” pagtukoy ni Roxee sa 3rd bridal shower ni Marian.

Paliwanag din niya, “Hindi ako nakasama noong Hong Kong kaya bumabawi ako ngayon at para bonggang bongga ang kanyang bridal shower number 3. Pampering day ito with [the] ladies that she absolutely loves.”

Ayon kay Marian ay perfect ang kanyang naging ikatlong bridal shower party na ginanap sa isang nail salon kahapon. 

Sabi niya, “kasi mahilig ako magpagawa ng kuko eh. So gusto ko ma-experience ‘yan ng mga girls ko.”

Hindi pa rin daw ito ang huling bridal shower ni Marian.

“Meron pa. Kaya sobrang happy ako kasi ang daming nagbibigay talaga ng bridal shower para sa akin. So, hindi pa natatapos. Meron pa,” kuwento niya.