Celebrity Life

Tom Rodriguez, mas tumindi ang paniniwala sa destiny

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Bago pa man magsimula ang primetime drama na My Destiny, kinuwento na sa amin ni Tom Rodriguez na naniniwala siya sa konsepto ng destiny, lalo na't siya mismo ay nakaranas na nito.

Ngayong nagtapos na ang teleseryeng muli nilang pinagtambalan ni Carla Abellana, mas tumindi daw ang paniniwala niya dito.

"Everything that's happened so far in my life, before I actually didn't believe. Sabi ko, stuff like that is coincidence, it never happens. 'Yung mga synchronicity, hindi totoo ang mga ganun," panimula niya.

Dagdag pa ng Don't Lose The Money host, "You just wake up one day and you realize everything that's happening in your life - lahat ng magaganda, pangit, at masasakit na nangyayari - it's all being instrumental to lead you up to that point, na kung nasaan ka man ngayon, sobrang saya mo, everything is in place. Kung may isang bagay na hindi nangyari dati na wala kang natutunang lesson o hindi mo napagdaanan, hindi ka mapupunta doon ngayon o baka nasa ibang lugar ka. It's all meant to lead you to that one place kung saan ka dapat. It's even more prevalent in my life. I think I'm in the middle of my destiny."

Iba ang gustong marating ni Tom dati, ang maging isang graphic artist. Pinaglaban pa nga daw niya ito, pero sa huli, sa showbiz din siya napadpad.

"Puwede pala ang ganitong trabaho na nae-enjoy ko at na-appreciate ko and I'm learning so much. Hindi ko in-expect pero wow, okay. Sometimes mararamdaman mo eh. Parang ang daming synchronicity na mangyayari. Minsan hihingi ka ng sign, sobrang blatant na andiyan kaagad."

May payo din siyang iniwan para sa mga hindi naniniwala sa destiny.

"May free will pa naman kaya it's a combination of both. Hindi puwedeng sa destiny mo na lang iasa, hindi rin puwede na i-control mo lahat. Kailangan may happy marriage, may balance between the two. You make and form decisions the best that you can, at the same time, you take on life as life comes to you."