Celebrity Life

Theater stage or Concert stage - Frencheska Farr chooses

BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Marami nang mga Pinoy performers ang nagtagumpay pagdating sa pag-peperform sa teatro hindi nlang dito maging sa ibang bansa. Nariyan na ang maituturing na isa sa mga pinakamahusay na theater actresses, si Ms. Lea Salonga. Sumunod din sa yapak niya ang Kapuso singer na si Rachelle Ann Go nang mapili itong gampanan ang role ni Gigi sa West End revival ng Miss Saigon ngayong taon.

Isa sa mga Kapuso talent na may experience din pagdating sa pagtatanghal sa teatro ay si Frencheska Farr. Sa katunayan napasama siya sa local production ng Grease noong 2013.

Kaya hindi tuloy maiwasan maitanong sa Kapuso diva kung naiisip din ba niyang subukang ang suwerte niya sa larangan ng pag-arte sa teatro?

Ani ni Frencheska, “Actually nung nag-Grease ako last year, parang naisip ko na ‘Uy puwede pala akong mag-shift ng career. Baka puwede nating gawin dito na lang, tutal gusto kong umarte, sumayaw at kumanta, all at the same time . 'Di ba? Why not?”

“Pero right after noon naisip ko kasi na iba pa rin ‘yung satisfaction na nakukuha ko pagdating doon sa pag-perform and pag-express ng sarili ko. Parang ngayon mas na-realize ko, dahil siyempre nung una nagta-try-try [lang] ako. Iba-ibang ginagawa ko. 'Di ba may mga soap, may musical, may singing lang talaga and natulungan ako nun marealize na kung ano talaga ‘yung gusto ko. Na-realize ko na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko, kumbaga kailangan mag-focus ka lang din” dagdag pa ng dalaga.

Dugtong pa ni Frencheska na iba pa rin daw ang kasiyahan na nararamdaman niya kapag nagpe-perform sa concert or habang nagsusulat siya ng mga kanta.

“So right after Grease last year naisip kong mas gusto ko palang i-express ‘yung sarili ko through my own music. Susulat ako at 'yung magpe-perform talaga ako bilang ako. Hindi ‘yung magpapalit ako ng character."

Nilinaw naman ni Frencheska an hindi niya isinasarado ang kanyang pintuan sa pag-arte, mapa-teatro man o telebisyon. "Masaya siya, ibang experience siya, ibang discipline siya… Kasi kailangan mo pumasok sa ibang character and yun ‘yung beauty ng musical.”