
Nagbigay-pugay ang Sang'gre actress na si Bianca Umali sa yumaong Superstar na si Nora Aunor.
Sa isang Facebook post, ipinarating ni Bianca kung gaano siya nagpapasalamat sa pagkakataong nakatrabaho ang National Artist for Film and Broadcast Art.
Noong 2024, nagkasama sina Bianca at Nora Aunor sa horror film na Mananambal, kung saan nakilala sila bilang Karina at Anita.
"Habambuhay ko ipagmamalaki ang karangalan at biyaya ng pagkakataong makatrabaho ang nag-iisang Nora Aunor," sulat ni Bianca.
"Hindi po ako titigil na idolohin ka para sa pagmamahal, dedikasyon at husay na ipinamalas mo sa industriya ng pelikulang Pilipino.
"Hanggang sa muli po, nanay… Paalam."
Pumanaw si Nora Aunor noong Miyerkules, April 16, sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure.
Nakaburol ang labi ng multi-awarded actress sa Heritage Park sa Taguig. Nakatakda itong ilibing sa Martes, April 22, sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING KARERA SA SHOWBIZ NG SUPERSTAR NA SI NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO: