advertisement
Celebrity Life

Singing competition alumni, where are they now?

1 of 21

Erik Santos

Nagsimula bilang wildcard contestant si Erik Santos sa first season ng 'Star in a Million,' pero siya ang umuwi bilang champion. Aktibo pa rin bilang singer si Erik sa kanyang home network.

2 of 21

Sheryn Regis

Nakilala bilang 'Crystal Voice of Asia' si Sheryn Regis matapos siyang maging runner-up ni Erik Santos sa first season ng 'Star in a Million.' Hindi man aktibo sa showbiz ngayon, pinagpapatuloy pa rin ni Sheryn ang kanyang singing career.

3 of 21

Christian Bautista

Hindi man umabot sa grand finals ng first season ng 'Star in a Million,' malayo naman ang narating ni Christian Bautista. Kilala siya hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Aktibo pa rin ang Asia's Romantic Balladeer sa kabi-kabilang concert. Resident judge din si Christian sa singing competition ng GMA Network, ang 'The Clash.'

advertisement
4 of 21

Sarah Geronimo

Si Sarah Geronimo ang nanalo sa 'Star for a Night' noong 2003. Bukod sa kilala bilang isang multi-awarded singer at concert performer, hinahangaan din si Sarah sa husay niya sa pag-arte sa telebisyon at pelikula. Matatandaan na ikinasal ang highly-respected OPM singer kay Matteo Guidicelli sa isang Christian wedding noong February 2020

5 of 21

Mark Bautista

Bagama't runner-up lang siya ni Sarah Geronimo sa 'Star for a Night,' nakagawa si Mark ng sarili niyang pangalan sa local music industry. Kasalukuyang napapanood si Mark sa 'All-Out Sundays.' Nakapag-release na rin siya ng autobiography, ang 'Beyond the Mark,' kung saan inamin niyang isa siyang bisexual.

6 of 21

Rachelle Ann Go

Tuluy-tuloy ang pagsulong ng career ni Rachelle Ann Go matapos itanghal na champion sa 'Search for a Star.' Busy ngayon si Rachelle sa career niya bilang isang West End actress. Ilan sa mga nagawa na niyang projects ang 'Miss Saigon,' 'Les Miserables,' at 'Hamilton.' Ikinasal na rin si Rachelle kay Martin Spies noong April 2018 at isinilang naman niya ang anak nila na si Lukas Judah noong March 26, 2021.

advertisement
7 of 21

Frenchie Dy

Grand champion ng second season ng 'Star in a Million' si Frenchie Dy at napanood din siya dati sa show na 'The Big Show,' kasama sina Bituin Escalante at Radha.

8 of 21

OJ Mariano

Second runner-up si OJ Mariano sa second season ng 'Star in a Million.' Ngayon ay miyembro na si OJ ng The CompanY at aktibo na rin sa teatro. Naging vocal coach din siya sa multi-platform boyband competition ng GMA, ang 'To The Top.'

9 of 21

Jonalyn Viray

Si Jonalyn Viray ang unang champion ng 'Pinoy Pop Superstar.' Kilala na siya ngayon bilang Jona.

advertisement
10 of 21

Aicelle Santos

Si Aicelle Santos ang kauna-unahang 'Undefeated Superstar' ng 'Pinoy Pop Superstar' sa tatlong seasons nito. Naging runner-up man sa second season singing contest, pumalo naman ang kanyang singing career matapos mapasama sa UK tour ng 'Miss Saigon.' Bago ito, naging patok din sa mga Pinoy ang pagganap niya bilang Aileen sa local musical na 'Rak of Aegis.' Kasalukuyan siyang judge sa bagong GMA singing contest na 'Centerstage.' Ikinasal last November 2019 si Aicelle sa broadcast journalist na si Mark Zambrano. Kasagsagan ng pandemya noong December 2020 nang isinilang ni Aicella ang anak nila ni Mark na si Zandrine Anne.

11 of 21

Maricris Garcia

Itinanghal na grand champion ng ikatlong 'Pinoy Pop Superstar' si Maricris Garcia. Ngayon, kilala si Maricris sa pagkanta niya ng mga theme song ng mga sikat na Kapuso soaps. Pinasok na rin niya ang mundo ng pag-arte at nakasama sa teleserye tulad ng 'Asawa Ko, Karibal Ko' at ang local adaptation ng K-drama na 'My Love From the Star.' Ikinasal din ang singer-actress sa kanyang non-showbiz boyfriend na si TJ Cruz noong December 16, 2016. Isang biyaya ang natanggap nina Maricris at TJ sa unang buwang ng 2021 nang dumating ang kanilang baby girl na si Adaiah Denise.

12 of 21

Julie Anne San Jose

Nag-umpisa ang singing career ni Julie Anne San Jose nang sumali siya sa 'Popstar Kids' noong 2005. Ngayon, isa na siya sa mga tinitingalang singer sa bansa at binansagang Asia's Limitles Star. Bukod sa pagiging singer, actress, at host, pinili rin ni Julie na magtayo ng isang clothing business kasama ang kapatid na si Joana.

advertisement
13 of 21

Rita Daniela

Si Rita Daniela ang hinirang bilang champion sa 'Popstar Kids.' Katulad ng kanyang batchmate na si Julie Anne San Jose, tinuloy ni Rita ang pagiging singer at actress saGMA Network. Mas nakilala ngayon si Rita sa mahusay niyang pagganap sa mga soaps na 'My Special Tatay' at 'One of the Baes.'

14 of 21

Hannah Precillas

Si Hannah Precillas ang nanalo sa singing category ng reality talent search show na 'Bet ng Bayan.' Ilang teleserye theme songs na rin ang inawit Hannah. Noong nakaraang taon, itinanghal siyang 3rd runner-up sa Dangdut Academy (D'Academy) Asia 5 sa Indonesia.

15 of 21

Gian Magdangal

Bago pa man sumali sa 'Philippine Idol,' kung saan naging runner-up siya, naging miyembro ng grupong 17:28 si Gian Magdangal. Noong 2019, naging bahagi si Gian ng Pinoy musical play na “Ang Huling El Bimbo.”

advertisement
16 of 21

Gerald Santos

Certified hottie na ang 'Pinoy Pop Superstar' season 2 champion na si Gerald Santos.. Tulad ni Aicelle, busy din siya ngayon sa career niya bilang isang theater actor. Nakasama siya sa UK Tour ng West End musical na 'Miss Saigon,' kung saan gumanap siya bilang Thuy.

17 of 21

Frencheska Farr

Naka-base sa Amerika ang 'Are You The Next Big Star?' winner na si Frencheska Farr kasama ang kanyang non-showbiz husband na si Gino Jose. Ikinasal sila sa civil ceremony noong 2017 sa Las Vegas. Matapos ang dalawang taon, umuwi sila ng bansa para idaos ang kanilang beach wedding na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang kaibigan sa showbiz.

18 of 21

 Jennifer Maravilla 

Hindi man nagwagi sa 'The Clash' season two, tuloy pa rin ang singing career ng viral Clasher na si Jeniffer Maravilla. Napanood siya sa primetime series na 'I Left My Heart in Sorsogon' na pinagbidahan nina fashion icon Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

advertisement
19 of 21

Sassa Dagdag 

Patuloy din ang karera ng binansagang Sassy Girl ng 'The Clash' na si Sassa Dagdag. Bukod sa pagkanta, abala rin siya sa pagsusulat ng sarili niyang kanta at mayroon ding endorsements. Minsang siyang napapanood sa 'All-Out Sundays.'

20 of 21

Bryan Termulo

Alumnus din ng 'Pinoy Pop Superstar' si Bryan Termulo. Kilala siya bilang “Prince of Teleserye Theme Songs." Noong January 2020, tumulak si Bryan sa bansang Amerika para subukan ang singing career doon. Base sa panayam sa kaniya ng PEP.Ph, patuloy siyang nagpe-perform at naka-base na siya sa Tennessee. Nagta-trabaho rin siya bilang part-time worker sa isang museum.

advertisement