Sa lagpas na dalawang dekadang karera ni Jennylyn Mercado sa mundo ng show business ay may ilan na siyang lalaki na nakasama at nakatambal, sa totoong buhay man o sa mga palabas at pelikulang kaniyang pinagbidahan.
Sa kaniyang karera, ilan lamang sa mga nakatambal niya ay si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, John Lloyd Cruz, at Derek Ramsay.
Sa kaniyang personal na buhay, kasama sa kaniyang mga naging karelasyon ay sina Mark Herras, Patrick Garcia, at si Dennis Trillo, na ngayon ay kaniyang asawa.
Tingnan ang mga lalaki sa buhay ni Jennylyn Mercado sa gallery na ito.
Kasunod ng kanilang pagkapanalo bilang unang Ultimate Survivors ng 'StarStruck' ay ang matagumpay na love team nina Jennylyn at Mark Herras. Naging magkarelasyon din ang dalawa sa totoong buhay. Dalawang taon lang tumagal ang kanilang relasyon ngunit nananatili silang magkaibigan hanggang ngayon.
Naging leading man ni Jennylyn ang kapwa 'StarStruck' alumni na si Paulo Avelino sa pelikulang 'The Bride and the Lover.'
Si John Lloyd Cruz ay nakatrabaho ni Jennylyn bilang kanyang leading man sa romantic comedy-drama na 'Just the 3 of Us.'
Dalawang beses na nakatambal ni Jennylyn si Raymart Santiago sa telebisyon. Una niyang nakatrabaho ang aktor sa 'Futbolilits,' habang nagkasama silang muli sa 'Second Chances.'
Nadikit man ang kanyang pangalan kay Bong Revilla, nanatiling professional lamang ang relationship ni Jennylyn Mercado sa aktor. Nakasama niya si Bong sa historical drama at epic series na 'Indio' at sa pelikulang 'Resiklo.'
Ayon sa isang interview kay Jennylyn, si Derek Ramsay daw ang pinakapaborito niyang leading man. Sila ay nagtambal sa pelikulang 'English Only, Please' kung saan pareho nilang napanalunan ang Best Actress at Best Actor awards mula sa Metro Manila Film Festival. Naging magkapareha ulit sila sa 'All of You.'
Taong 2007 hanggang 2008 naging magkarelasyon sina Jennylyn at Patrick Garcia. Naging maiksi man ang kanilang pagsasama, nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan. Si Patrick ang ama ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz.
Jericho Rosales was Jennlyn's leading man in the Metro Manila Film Festival entry, 'Walang Forever.'
Na-in love si Jennylyn kay Sam Milby sa romantic comedy film na 'The Prenup.'
Isa pang hunk ang naging leading man ni Jennylyn. Nakapareha ng aktres si Rafael Rosell sa Kapuso drama na 'Second Chances.'
Jennylyn dated actor-host Andrei Felix for about two years after breaking up with Patrick Garcia.
Halos dalawang taon ding naging nobyo ni Jennylyn si Luis Manzano. Hindi tulad ng iba niyang ex-boyfriends, hindi nagkaayos sina Jennylyn at Luis matapos maghiwalay.
Marami ang naantig sa pagganap nina Jennylyn at Tom Rodriguez sa Lenten special na handog ng APT Entertainment tungkol sa isang mag-asawang sinubok ng isang malubhang karamdaman. Muling nagtambal ang dalawa sa Kapuso drama thriller series na 'The Cure.'
Gil Cuerva played Jennylyn's love interest as Matteo Domingo in GMA's adaptation of the Korean series 'My Love From the Star.'
Jennylyn has reunited with her biological father Noli Pineda in 2017, and the two have maintained a good relationship since, bonding over the things they enjoy in common like music and photography
Alex Jazz, Jennylyn Mercado's son with ex-beau Patrick Garcia, definitely holds the top spot in Jennylyn Mercado's heart.
Malaki man ang agwat ng kanilang edad, nakakakilig pa rin ang naging tambalan nina Jennylyn at Gabby Concepcion sa Kapuso romantic-comedy series na 'Love You Two.'
Naging kapareha rin ni Jennylyn si Clint Bondad sa 'Love You Two.'
Naging magka-love team sina Jennlyn at Coco Martin sa 2019 MMFF movie na '3pol Trobol: Huli Ka Balbon.'
Hindi maitago ang chemistry nina Jennylyn at Dingdong Dantes, na gumanap bilang sina Dr. Maxine Dela Cruz at Captain Lucas Manalo, sa 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).'
Naghiwalay man noong 2011, sina Jennylyn at Dennis Trillo pa rin ang nagkatuluyan sa huli. Oktubre noong nakaraang taon nang nag-propose si Dennis kay Jennylyn.
Isang buwan pagkatapos ang proposal ay ikinasal ang dalawa sa isang simpleng garden ceremony.
Oktubre noong nakaraang taon din sinabi nina Jennylyn at Dennis na madagdagan ang kanilang pamilya - isang baby girl. At nitong Abril ay iniluwal ni Jennyln si Baby Dylan.