Celebrity Life

Kinaiinggitan nga ba si Alden Richards?

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

"Parang wala naman po akong naririnig, and bihira po akong makapunta sa Sunday All Stars. Pero so far po wala naman pong ganung feedback."

Ito ang naging pahayag ni Alden Richards nang tanungin ng entertainment press kung nararamdaman ba niyang may mga naiinggit sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Kasalukuyan niya kasing ginagampanan ang role ni Jose Rizal sa kauna-unahang BayaniSerye sa Philippine primetime, ang Ilustrado. Isa rin siya sa hosts ng Bet ng Bayan, kasama si Regine Velasquez-Alcasid,

Natawa rin si Alden nang sabihang isa siya sa mga malalaking artista ng Kapuso network.

"Hindi naman po, pero siguro 'yung binibigay po ng network sa akin, tinatanggap ko lang po ng walang judgment. I accept every role, every project na hindi pinipili kung ano ang gagampanan kong role."

Ano naman ang masasabi niya sa mga artistang namimili ng roles?

"For me, that's a sign of a weak actor. When you choose your roles kasi, gusto mo lang gawin ang mga bagay na comfortable kang gawin. Masarap bilang actor na makagawa ng mga proyekto na hindi mo pa nagagawa kasi it's self-fulfillment. Iba 'yun, may iba kang naipapakita sa mga viewers."

Para sa aktor, umayon lang sa kanya ang panahon kaya siya ang napiling gumanap bilang Rizal.

"I'm sure maraming may gusto ng role na ito, marami ang nagdi-dream na makuha ang role na ito. Siguro po right timing. Binigay sa akin ito ng network because they believe na it's the right time for me to play a role as big as Jose Rizal," saad niya.