GMA Logo Chariz Solomon, Winwyn Marquez
Source: chariz_solomon (IG)
Celebrity Life

Chariz Solomon, nagbigay ng suporta kay Winwyn Marquez

By Kristian Eric Javier
Published May 5, 2025 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Inuman sa labas ng mga bahay at maiingay na muffler ng mga motor, ipinagbabawal sa Tondo
Firecrackers hurt 46 in W. Visayas, Negros Island
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Chariz Solomon, Winwyn Marquez


Supporting Ina si Chariz Solomon kay Winwyn Marquez sa pagsabak nito sa Miss Universe Philippines 2025.

Bago pa ang coronation night ng nagdaang Miss Universe Philippines 2025 nitong Sabado, May 3, nagpahatid na ng kanyang suporta ang Bubble Gang star at ina na si Chariz Solomon kay Kapuso star Winwyn Marquez na lumahok bilang kinatawan ng Muntinlupa.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Chariz na kahit hindi pa nagsisimula ang coronation night noong mga panahon na 'yun ay tila nanalo na sila sa naturang pageant.

“Wala pa man ay malaking panalo na saatin ito. Sa ating mga ina na akala natin hanggang doon nalang tayo… Sa ating mga ina na naka-alay ang buhay para sa ating pamilya,” sulat ni Chariz.

Ani Chariz, sa pagsali ni Winwyn sa Miss Universe Philippines, pinatunayan nitong sarili lang ang magbibigay ng hangganan sa pangarap. Dagdag pa ng komedyante, hindi niya akalain na malayo pa pala ang mararating ng isang ina, at sinabing “Hanggang UNIVERSE, kayang-kaya pala.”

Sinigurado din niyang nasa tabi lang siya, at ang ibang ina, ni Winwyn para suportahan ang actress-beauty queen, at ipinahayag na mahal niya ito.

“In behalf of all moms in the Universe, thank you for your courage, and showing us that Moms are indeed the QUEENS of the UNIVERSE,” sabi ni CHariz.

Pagtatapos ng aktres, “Teresita Ssen Winwyn Marquez, MOMtinlupa!!!”

Sa comments section, pinasalamatan ni Winwyn si Chariz at sinabing “super idol” niya ang kapwa aktres.

“Super idol kita mama cha ikaw ang super mom,” sulat ni Winwyn.

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon)

Nitong Sabado, May 3, ng koronahan ang kinatawan ng Quezon Province na si Ma. Ahtisa Manalo bilang pinakabagong Miss Universe Philippines 2025 sa coronation night na ginanap sa SM MOA Arena.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA HOT MOMMA PHOTOS NI WINWYN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, nasungkit naman ni Winwyn ang 1st runner up sa naturang pageant at kahit pa umano hindi niya nakuha ang inaasam na korona, pakiramdam ng Mommy Dearest actress ay panalo pa rin siya.

Aniya, dahil sa pagsali niya sa Miss Universe Philippines, napatunayan niyang hindi humihinto sa pagiging ina ang pagtupad sa pangarap.