Celebrity Life

Derrick Monasterio, gustong magkaroon ng kissing scene sa kapwa lalaki

By AL KENDRICK NOGUERA

 PHOTO BY ELISA AQUINO ,GMANetwork.com
Hindi maikakaila ang pagbabago sa dating tween star na si Derrick Monasterio. Mapapansin ito sa kanyang current show na The Half Sisters at  marahil kaunting panahon na lang ang bibilangin at maaring bigyan na din siya ng mature roles ng GMA. Kaya naman tinanong namin ang aktor kung ready ba siya sa mga ganitong klaseng roles kung sakaling bigyan siya ng pagkakataon.

Ayon kay Derrick, kahit na busy siya sa taping ng Afternoon Prime soap ay sinisigurado niyang hindi niya napapabayaan ang katawan. Lagi raw siyang naglalaro ng basketball pero mas madalas daw ang pagpunta niya sa gym.

Kita naman ang resulta ng gym ni Derrick dahil lalong nag-i-improve ang kanyang figure. Dahil naka-focus siya sa pagpapaganda ng katawan, ibig sabihin ba nito ay naghahanda na siya sa sexy roles?

“Sa tingin ko po, hindi pa po sa ngayon kasi parang ito pa po 'yung earliest stage ng pagiging legal (18 years old) ko. So parang huwag muna. Magpapahinog muna [ako],” sagot ng aktor.

Inamin ni Derrick na wala pa sa isip niya ang pagpapa-sexy at hinahayaan niya lang ang Network na mag-decide kung kailan ang tamang oras. Aniya, “Depende kung ano ang ibigay ng Network sa 'kin. Kung sa tingin nila na okay na, sige.”

Pero kung sakaling bigyan siya ng mature role, ano kaya ang gustong i-portray ni Derrick? “Gay role na mayroong kissing scene sa lalaki,” sagot niya.

Pero paglilinaw niya, “Ako, okay lang pero huwag ngayon. Next year na lang.”

Dagdag pa ni Derrick, kahit open na siya sa daring at mature roles, magkakaroon naman daw ang aktor ng limitations sa kanyang future sexy roles. “Siguro ang kaya ko lang [ay] mag-topless.”