Celebrity Life

Manny Pacquiao, bitbit ang kanyang mga musikero tuwing ensayo

By AL KENDRICK NOGUERA

Halos tatlong lingo na lang ang hihintayin at muli na namang tatapak sa boxing ring si Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Dahil dito, puspusan ang training ni Pacman ?na haharap kay American boxer Chris Algieri sa Macau sa darating na November 23.

Sa ulat ni Mav Gonzales, sinabi niyang mayroon daw requirement si Pacquiao sa kanyang training. Ito raw ay walang iba kung ‘di ang kanyang sariling harpists, ang magkapatid na sina Paul at Benny Costañes na galing pang Cebu.

Ayon nga sa GMA News reporter, kahit saan daw mag-training si Pacman, hindi raw puwedeng mawala sa paningin at pandinig niya ang mga musikero dahil sila ang nagsisilbing pampa-relax ng Pambansang Kamao tuwing nagpapahinga ito.

Kadalasan daw ay hinihiling ni Pacquiao na patugtugin nina Paul at Benny ang mga luma at ilang Bisayang kanta. Sa katunayan nga raw ay sinasabayan din ng eight-division world boxing champion ang ilan sa mga ito.

“Mas nare-relax kasi ako kapag nakakarinig ng music. Naaalis 'yung pagod [ko],” ang maikling paliwanag ng Pambansang Kamao.