GMA Logo MC, Vice Ganda
Celebrity Life

MC, naiyak sa pag-call out sa kanya ni Vice Ganda?

By Kristine Kang
Published May 22, 2025 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

MC, Vice Ganda


Alamin kung ano ang payo ni Vice Ganda tungkol sa bad habits ni MC, dito.

"Hindi marunong makisama."

Ito ang sinabi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa kanyang kaibigan at It's Showtime co-host na si MC.

Sa kanyang bagong vlog, makikitang masayang iniinterbyu si Vice ng kanyang mga kaibigan bilang bahagi ng bonding ng kanilang grupo.

Pero nauwi ito sa isang seryosong usapan nang tanungin ni MC kung sino ang ayaw mapanaginipan ni Vice.

Walang pag-aatubili, si MC agad ang itinuro ng comedian dahil umano sa “bad habits” nito noong kanilang beach vacation.

"'Pag kayo may rampa kayong grupo, ano mararamdaman n'yo kung 'yung kasama n'yo papasok sa kwarto tapos lalabas kung kailan niya lang bet tapos aantayin natin siya?" tanong ni Vice.

"May gagawin kayo tapos papasok na naman sa kwarto. 'Tas aantayin mo na naman siya at hindi mo alam kung kailan siya lalabas. 'Di ba nakakabwisit?"

Dahil sa ginawang tila puro tulog at matagal maligo ni MC, na-off daw si Vice sa mga aksyon nito. Nais pa naman ng lahat na sulitin ang oras na magkakasama sila, lalo na't ngayon lang ulit sila nagsama-sama bilang grupo.

"I chose to be with all of you now. I chose to be with all of you this vacation. Kasi pwede naman kami na lang ulit ng mga nanay ko lumabas, 'di ba? Pero kasi hindi ko na rin kayo nakakasama. Tapos pagdating dito, ganoon pa rin. Ugali mo lagi iyan, e," pahayag ni Vice.

Ramdam ang tensyon ng lahat, at hindi na napigilan ni MC na umiyak.

"Lagi ko kasing gusto ipakita 'yung best ko sa 'yo 'pag kasama kita. Bakit sa amin lahat, kay Lassy, ako 'yung madalas mo napapagalitan?" emosyonal na tanong ni MC.

Bilang kaibigan, sinabi ni Vice na nais lang niyang itama ni MC ang hindi magandang ugali pagdating sa pakikisama.

"Alam mo'ng may gagawin tayong grupo, magbo-bonding nga tayo. Kasasabi mo, naligo ka nang matagal. So hinihintay ka namin ulit. E bago 'yun, hinintay ka namin nang matagal dahil natulog ka din nang matagal, inabot ka ng gabi. 'Pag nasita ka, ngayon sasabihin mo, 'Ba't lagi ako nasisita?' Fair ba 'yung ginagawa mo sa kasama mo?" banat ni Vice.

Pero sa kabila ng tampuhan, hiling ni Vice na manatili ang kanilang samahan at patuloy silang magkaibigan kahit tumanda na.

"Siyempre mas masarap 'yung real friends mo na keep mo hanggang sa tumanda kayo at talagang namaalam tayong lahat. Kasi iyon 'yung totoong legacy, iyon ang magpapatunay na 'Ay. Siguro may nagawa akong mabuti sa mundo kasi biniyayaan ako ng Diyos ng kaibigan, e,'" sabi ng comedian.

Sa huli, nagyakapan sina Vice at MC bilang patunay ng pagpapatawad at patuloy na pagmamahalan bilang magkaibigan. Hindi rin napigilan ni MC na humagulgol habang kayakap si Vice.

Mapapanood ang dalawang comedian sa fun noontime program na It's Showtime, tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, panoorin ang kanilang vlog sa video na ito: