Celebrity Life

2014 is Miguel Tanfelix' year

By AEDRIANNE ACAR


Matapos ang mahusay niyang pagganap bilang isang special child sa GMA Primetime series na Niño, isa na siya sa pinaka-tinitilian na Kapuso Tween star.

Regular din siya mapapanood sa Sunday night comedy series na Ismol Family at isa siya sa most sought after endorser ngayon. Katunayan, noong July kinuha siya at ang on-screen partner niya na si Bianca Umali bilang endorser ng isang local clothing apparel.

Madalas din  siya napapanood sa Sunday All Stars at iba pang shows ng GMA bilang guest artist. Kapag wala sa taping, madalas may mga mall shows si Miguel sa iba't ibang parte ng bansa. 

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Miguel, malaki ang naitulong ng direktor nila sa Niño na si Direk Maryo J. Delos Reyes para mapagbuti pa niya ang kanyang pag-arte.

Ani ni Miguel, “Sa totoo lang maraming nabigay na advice sa akin si Direk, advice kung paano umarte ng Niño, kung paano umarte as Miguel as normal”.

“Pero para sa akin pinakatumatak na advice sa akin ni Direk [ay] ‘yung kailangan ‘yung attitude mo ay nasa lugar, ‘yung maganda 'yung attitude mo, ‘yung maganda [ang] pakikitungo mo sa ibang tao. Kasi ‘yun naman talaga ‘yung dapat na pinapahalagahan mo, 'yung lahat ng tao na nakapaligid sa ‘yo. Tapos maging magalang ka rin siyempre,” dagdag ng Kapuso star.

Nalilink madalas si Miguel sa kanyang co-star sa Ismol Family na si Bianca, pero ilang beses na rin itinanggi ng dalawa na may namamagitan sa kanila.

Kaya nang tinanong namin ang Kapuso Primetime Prince kung sino sa kanila ng karakter niya sa Ismol na si Tan-Tan ang may ibubuga sa panliligaw, ito ang kanyang naging pahayag.

“Siguro po chic magnet si Tan-Tan kasi siya 'yung mahilig [manligaw]. Parang nililigawan na nga niya si Yumi (Bianca), so parang chic magnet nga si Tan-Tan. Pero kasi si Miguel, hindi ko muna po iniisip 'yung love, career muna ako, pag-aaral, so mas Tan-Tan siguro (laughs).”