Celebrity Life

Anak ni Mark Herras, nagdiwang ng kanyang first birthday

By CHERRY SUN

Halos hindi maipaliwanag ni Mark Herras ang kanyang naramdaman nang i-celebrate kahapon ang unang birthday ng kanyang anak na si Ada Sofia Nicolette.

Ikinwento niya sa Unang Hirit, “Iba ‘yung pakiramdam na parang na-overwhelm ako. 'Di naman ako masyadong naging emotional pero alam mo ‘yun, deep inside parang gusto mong umiyak. Gusto kong umiyak na parang ‘first birthday’.”

“Dati umaattend ako sa mga first birthday ng mga inaanak ko, ngayon akin ‘to, akin ‘to. Sa anak ko ‘to, kay Ada lahat ‘to. So happy,” pagmamalaki ng Bad Boy of the Dance Floor.

Naging mas seryoso raw si Mark pagdating sa trabaho para sa kanyang one-year old daughter. Hindi kaya siya nag-aalinlangang gumawa ng sexy roles lalo na at babae ang anak niya?

“Sasabihin ko, ‘Baby o, tignan mo ‘yung daddy mo, sexy. Sexy?,” biro niya.

“Hindi, ako naman, I want Ada to be proud ‘di ba? Sabihin nating hindi niya pa ma-appreciate ngayon ‘yan pero syempre kahit ano pa siguro ‘yung magawa kong project in the future, alam ko namang magiging proud sa akin si Ada,” paliwanag ng aktor.

Ang pinangangambahan raw ni Mark ay pag dumating ang panahon na makahanap siya ng partner.

Aniya, “Hindi lang ako, kumbaga kung sakaling meron akong ligawan in the future, dapat tanggap niya si Ada ng buong buo. Kasi kung hindi niya kayang tanggapin, hindi pwede.”

Dumalo sa bonggang first birthday party ng anak ni Mark ang ilang Starstruck alumni na kapwa mga magulang na rin tulad nina Yasmien Kurdi, Chariz Solomon at ang napabalitang magkahiwalay nang sina Katrina Halili at Kris Lawrence.

Dumating din ang ibang showbiz friends ni Mark tulad nina Sef Cadayona, Andrea Torres, Wyn Marquez, Frencheska Farr, Enzo Pineda, Kylie Padilla at Rodjun Cruz.