Celebrity Life

Janine Gutierrez umaming nakalimot sa 'More Than Words'

By MICHELLE CALIGAN


Ibang iba ang itsura ni Janine Gutierrez sa kanyang upcoming primetime series na More Than Words. Kahit ang kanyang boyfriend at leading man sa show na si Elmo Magalona ay nagulat sa naging transformation ng dalaga into her character Ikay.

GMANetwork.com had the chance to ask Janine for her reaction regarding what Elmo said about her Ikay look.

"Nakakatuwa naman si Elmo kasi hindi na yata siya natatakot sa itsura ko (laughs). Nasanay na siya kay Ikay, at wala namang nagbago sa pagtrato niya sa akin pagdating sa More Than Words at sa VQ (Villa Quintana) na normal ang itsura ko."

She adds, "Nakakatuwa talaga ang itsura ni Ikay. Mahirap siya na transformation kasi matagal 'yung buhok. It's hard din na mag-iiba ang isip mo, pero in a way nakakatulong din pala 'yun kasi mas ramdam ko si Ikay."

Noong una daw ay nahirapan siyang bigyang buhay si Ikay dahil ibang-iba ang role na ito sa personality niya. Pero habang tumatagal ay nasanay na rin siya at hindi na niya kailangang ipaalaala sa sarili kung paano umarte si Ikay.

"Minsan siya (Elmo) ang nanloloko sa akin kasi nakakalimutan ko na ganun pala ang itsura ko. Normal lang ako magsalita, normal lang ako umarte, kukulit-kulitin ko siya. Tapos sasabihin niya sa akin, 'You forgot na what you look like no?' Minsan napapadaan ako sa salamin tapos nagugulat ako, 'Oo nga pala, magulo pala ang buhok ko.'"

Catch Janine Gutierrez as Ikay in More Than Words, simula November 17, sa GMA Telebabad.