advertisement
Celebrity Life

Ang mga babae sa buhay ni Mayor Vico Sotto

1 of 31

Coney Reyes

Ang numero unong babae sa buhay ni Mayor Vico Sotto ay ang kanyang ina, ang Kapuso actress na si Coney Reyes.

2 of 31

Sweet mom

Ilang beses na ring nasaksihan ng publiko ang malapit na relasyon ni Mayor Vico sa kanyang ina na si Coney Reyes.

3 of 31

Carla Mumar

Si Carla Mumar ay isa sa mga kapatid na babae ni Mayor Vico.

advertisement
4 of 31

Coney's children

Si Carla at ang isa pa nilang kapatid na lalaki na si LA Mumar ay mga anak ni Coney Reyes sa dati nitong asawa at former PBA player na si Larry Mumar.

5 of 31

 Danica Sotto

Si Danica Sotto ay isa sa mga kapatid na babae ni Mayor Vico sa father's side. Sina Danica at Oyo Boy Sotto ay anak ni Vic Sotto at dati nitong asawa na si Dina Bonnevie.

6 of 31

Vic Sotto's children

Apat ang kapatid ni Mayor Vico sa amang si Bossing Vic Sotto.

advertisement
7 of 31

 Paulina Sotto

Isa sa mga kapatid ni Mayor Vico sa ama ay si Paulina Sotto. Siya ay anak ni Bossing Vic Sotto at ng dating aktres at model na si Angela Luz.

8 of 31

Supportive Sibling

Dumalo noong 2019 sina Mayor Vico at Danica sa isa sa mga exhibit ng kanilang visual artist na kapatid na si Paulina.

9 of 31

Ciara Sotto

Ang actress-singer naman na si Ciara Sotto ay pinsan ni Mayor Vico Sotto. Anak siya ng aktres na si Helen Gamboa at Senator Tito Sotto.

advertisement
10 of 31

Vico for Pasig Mayor

Full support si Ciara kay Mayor Vico noong nangangampanya pa lamang ito noong 2019.

11 of 31

Kristine Hermosa

Sister-in-law naman ni Mayor Vico ang asawa ni Oyo Boy Sotto na si Kristine Hermosa.

12 of 31

Bonding with siblings

During his free time, nakikipag-bonding si Mayor Vico kasama ang mga kapatid nito at kanilang mga asawa.

advertisement
13 of 31

Pauleen Luna

Si Pauleen Luna ang misis ngayon ni Bossing Vic Sotto at stepmother naman ni Mayor Vico.

14 of 31

 Talitha Sotto

At ang youngest sister ni Mayor Vico ay ang cute na cute na si Baby Tali.

15 of 31

Janelle Tee a.k.a. Kim Chi

Minsan nang na-link si Mayor Vico sa Miss Philippines Earth 2019 at former Wowowin host na si Kim Chi, or Janelle Tee sa totoong buhay, nang maging representative ito ng Pasig sa Ms. Earth beauty pageant.

advertisement
16 of 31

No malice

Nilinaw naman ni Janelle sa isang interview na pareho silang single noong panahon na 'yon at pawang advocacies lang ang pinag-usapan nila noong nag-courtesy call siya kay Mayor Vico.

17 of 31

Maine Mendoza

Minsan na ring na-link si Mayor Vico kay EB Dabarkads at Phenomenal Star Maine Mendoza, nang tuksuhin sila ng netizens matapos niyang dumalaw noon sa location set ng "Juan For All, All For Juan" ng 'Eat Bulaga' sa Barangay Palatiw sa Pasig, na sakop ng distritong kung saan siya konsehal noon.

18 of 31

Chismis lang

Agad namang nilinaw ni Mayor Vico noon na walang katotohanan ang kumakalat na balita na balak niyang ligawan si Maine. Sabi niya sa isang tweet: "The issue is when people have no issue about making an issue where there is really no issue. #tissue" Ang larawang ito ay kuha mula sa wedding reception nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Kasalukuyang in a relationship si Maine sa aktor na si Arjo Atayde.

advertisement
19 of 31

Gretchen Ho

Nag-viral ang photo nina Mayor Vico at TV host Gretchen Ho nang makita silang magkatabi habang nanunuod ng SEA Games noong 2019. Ngunit ayon sa article ng Pilipino Star Ngayon, dineny ng isang malapit na source kay Mayor Vico na may namamagitan sa kanila ni Gretchen.

20 of 31

 No official girlfriend

Hanggang ngayon wala pa ring opisyal na ipinakikilalang girlfriend si Mayor Vico Sotto. At nang tanungin ang ina ni Mayor Vico na si Coney Reyes tungkol sa lovelife ng kaniyang anak, ang tugon nito ay: “Kung meron talaga, sasabihin ng anak ko. 'Di ko kalian magtanong, magsasabi 'yon. So 'pag walang sinasabi, eh 'di wala.”

21 of 31

Isabelle de Leon

Maraming kinilig na netizens nang ibahagi ng Miss Multinational Philippines 2019 at aktres na si Isabelle de Leon ang kanilang larawan ni Mayor Vico. Ayon sa netizens, bagay ang dalawa dahil pareho silang single.

advertisement
22 of 31

Siblings

Kung iba ay kinilig, nagbiro naman ang iba na magkapatid sina Vico at Isabelle. Anak kasi ni Vic sa dating sitcom ng GMA na “Daddy Di Do Du” si Isabelle na gumanap bilang Duday.

23 of 31

Bea Alonzo

“Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo!” ito ang sinulat ni Bea Alonzo nang makita niya nang personal si Vico Sotto nang naghatid siya ng tulong para sa frontliners ng Pasig City.

24 of 31

Favorite daughter

Ang ina ni Vico na si Coney Reyes ay gumanap na ina ni Bea sa isang pelikulang 'Fours Sisters and a Wedding' noong 2013.

advertisement
25 of 31

Donya Tesoro

Sini-ship din ng netizens si Mayor Vico sa kapwa millennial mayor ng San Manuel, Tarlac na si Donya Tesoro.

26 of 31

No Time For Love

Pero ayon sa hashtag ng posts ni Mayor Donya, #NoTime4Love.

Mayor Donya Tesoro, nirereto ng netizens kay Vico Sotto

27 of 31

Emelinda B. Flores

Malaking bahagi rin ng buhay ni Mayor Vico ang helper nilang si Emelinda B. Flores, o kung tawagin nila ay Neneng, na nagsilbi sa kanilang pamilya sa loob ng apat na dekada.

advertisement
28 of 31

Neneng

Ayon kay Vico, si Neneng ang kanilang “Yaya, cook, messenger, bodyguard, personal assistant, resident comedian, all-around repairman.” Pumanaw si Emelinda noong September 18, 2016 sa kanyang hometown sa South Cotabato.

Vico Sotto remembers late household helper on her birthday

29 of 31

Anne Curtis

Pinasalamatan ni Vico Sotto ang aktres na si Anne Curtis-Smith sa pag-donate nito ng PhP 1 million sa lungsod ng Pasig para tulungang maagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

30 of 31

Angel Locsin

Kasabay ng pasasalamat ni Vico Sotto kay Anne Curtis-Smith, namangha rin ang alkalde kay Angel Locsin sa pag-donate nito ng PhP 1 million sa Lungsod ng Pasig.

advertisement
31 of 31

No fanfare

Bitiw ni Mayor Vico Sotto na nakakamangha ang dalawang aktres dahil walang “fanfare” ang kanilang pag-donate sa lungsod. Aniya, “Dinonate nila ito ng walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila 'yung tseke.”