
Hindi mapigilan ni Kapuso Sweetheart at iBilib host Shaira Diaz na maging emosyonal nang makita na niya sa wakas ang wedding rings nila ng fiancé at kapwa aktor na si EA Guzman.
Sa Facebook video ni EA, maririnig ang boses ng aktor na tinatanong si Shaira kung bakit ito umiiyak.
“Nakita ko kasi pagsuot mo ng ring. 'Di ko alam--parang totoo na,” sabi ng Kapuso Morning Sunshine.
Dagdag pa ni Shaira sa comments section, “Eh kasi naman… I felt it. Totoo na talaga 'to.”
Samantala, sinabi rin ni EA na hindi na muna niya ipapakita ang wedding rings nila ni Shaira, at sinabihan ang kanilang fans na abangan ito.
TINGNAN ANG ROMANTIC GETAWAY NINA SHAIRA AT EA SA SOUTH KOREA SA GALLERY NA ITO:
Matatandaang ibinahagi ni Shaira sa Unang Hirit na 2021 pa sila engaged ni EA, ngunit 2024 lang nila ito inanunsyo. Sa August 2025 na ikakasal ang Kapuso couple, na gaganapin naman sa Cavite.
Sa January episode ng Fast Talk with Boy Abunda, nagbahagi si Shaira ng ilang detalye tungkol sa kanilang wedding plans. Aniya, plano niyang bilhin ang kanyang wedding gown sa South Korea.
“I really love Korea, their culture," she explained. "I'm a big fan of K-drama, K-pop, BTS, so I want to add something very personal to me,” sabi ni Shaira.