advertisement
Celebrity Life

Rajo Laurel, Mak Tumang, at iba pang Pinoy designers, nagbayanihan para health workers

1 of 20

Rajo Laurel

Si Rajo Laurel ay isa sa mga Pinoy designers na naglaan ng kanyang oras at talento ngayong kinakaharap ng bansa ang COVID-19.

2 of 20

Prototype

Ibinahagi ni Rajo ang kanyang prototype ng PPE o Personal Protective Equipment na kanyang ginawa para sa mga frontliners.

3 of 20

Domz Ramos

Kilala si Domz Ramos sa kanyang swimwear na dini-design para sa Binibining Pilipinas.

advertisement
4 of 20

Masks

Ilang libong masks naman ang ipinadala ni Dom sa mga staff ng ospital. Ilan sa mga ospital na tumanggap ng kanyang masks ay ang Philippine General Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Children's Hospital, at Qualimed Hospital.

5 of 20

Michael Leyva

Ang designer na si Michael Leyva ay isa rin sa mga Pinoy designers na tumugon sa kakulangan ng PPE, face masks, at head covers ng mga frontliners.

6 of 20

With Angel Locsin

Nakipagtulungan si Michael Leyva kay Angel Locsin para sa pagbabahagi nito sa mga ospital.

advertisement
7 of 20

Patty Ang

Si Patty Ang na kilala bilang designer ng iba't ibang personalidad ay nagbahagi rin ng kanyang oras para makatulong.

8 of 20

Patty's post

Saad ni Patty sa kanyang post, "As part of our role to help our country, we at @atelierpattyang will conduct all efforts to create PPEs to help our dear front liners. Mag tulungan po tayo, kaya natin ito!"

9 of 20

Mak Tumang

Si Mak Tumang ay isa rin sa mga designers na tumugon sa pangangailangan ng mga health workers ng PPE.

advertisement
10 of 20

His donation

Ayon sa post ng designer, sa kanilang pagtutulungan ng kanyang mga kaibigan ay um-order sila ng PPE mula sa Changsa, China. Dagdag pa niya, "We have raised enough for 20,000 suits but we need help collecting donations for the remaining 20,000."

11 of 20

Rosenthal Tee

Kilala si Rosenthal Tee sa paggawa ng bridal gowns at RTW evening wear. Pero ngayong kinakaharap ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic, pinili ni Rosenthal na ibahagi ang kanyang oras sa pagtulong sa mga frontliners.

12 of 20

Materials

Tulad ng ibang designers, nagpapatulong rin si Rosenthal na makahanap ng angkop na materyales para masigurong ligtas ang mga health workers na gagamit nito sa paggamot ng pasyente na may COVID-19.

advertisement
13 of 20

Mich Dulce

Ang designer na si Mich Dulce ay isa rin sa mga tumugon sa panawagan ng mga health workers.

14 of 20

Design

May paglilinaw si Mich sa kanyang recent post tungkol sa PPE. Aniya, "While the use of our patterns and techpack are medically REVIEWED to be the best version of a DIY suit, it will NEVER be medical grade. These are two different things. To be medical grade they need to be made in a sterile environment and have to pass so many tests."

15 of 20

Cen Hontomen

Si Cen Hontomen ay agad na kumilos para sa pagbibigay-tulong sa health workers ng PPE.

advertisement
16 of 20

YouTube video

Dahil may YouTube channel rin ang home-based designer na si Cen, ipinakita niya kung paano gawin ang kanyang PPE.

17 of 20

Puey Quiñones

Nakipag-usap si Puey Quiñones kay Mich Dulce para mapabilang sa Pinoy designers na magpo-produce ng PPEs.

18 of 20

His design

Sa Instagram post, ipinasilip ni Puey ang kanyang disenyo.

advertisement
19 of 20

RJ Santos

Si RJ Santos ay umaasang makatapos ng 200-230 na piraso ng PPE.

20 of 20

For use or donation

Ayon sa designer ng Randolf Clothing, nananawagan rin siya ng donasyon para sa makakuha ng ilang materyal na gagamitin at suweldo para sa mga mananahi.