Celebrity Life

Bettinna Carlos, the stress-free mommy

By ANN CHARMAINE AQUINO



Busy mommy ang host ng Idol sa Kusina na si Bettinna Carlos. Ito ay dahil isa siyang full-time mommy sa kanyang anak na si Gummy at isa rin siya mommy entrepreneur sa kanyang business, ang Baked Bites.

Sa interview with GMANetwork.com, ibinahagi ni Bettinna ang kanyang simpleng sikreto sa pagtanggal ng stress lalo na kung sunod sunod ang kanyang trabaho.

Isa sa mga ito ay running. Aniya, "I just sweat the stress. Kailangan mong kontrahin ng positive ang negative."

Bukod sa running, isa sa mga pinaka-effective na paraan umano para mawala ang kanyang stress ay ang prayers.

Pahayag ni Bettinna, "praying of course. Kasi you have to set yourself na despite what you're facing, you have to get on with life".

"You can't just wallow you know, so you have to find a way to shake of the negativity," pagtatapos nito.