Celebrity Life

Saan ang huli at posibleng susunod na date ni Carla at Tom?

By CHERRY SUN
PHOTO BY ELISA AUINO, GMANetwork.com

Lately ay naging busy si Carla Abellana dahil sa kanyang pagganap sa ‘Ulam’ episode ng pelikulang Shake, Rattle and Roll para sa nalalapit ng Metro Manila Film Festival.

Kwento niya sa Balitanghali, hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin daw siya sa isang eksena ng pelikula dahil sa mga kakaibang sangkap ng kanilang pagkain.

“Nung una akala namin kasi, ano lang, accidental lang na baka napasama lang dun sa pagluto niya, na hindi naman niya sinasadya. So it takes a while before we realize na, ‘Ah sinadya pala niya ‘yun’,” paliwanag ni Carla.

Samantala, sobrang sipag din daw ni Tom Rodriguez sa pagtatrabaho. Sa katunayan ay nagkakasakit na raw ang aktor at TV host, at naaapektuhan na ang blood pressure at vocal chords nito.

May panahon pa rin kaya silang mag-date ng kanyang manliligaw?

“One time sa ospital sinamahan ko siya. Do you consider that a date? I don’t know, hospital date. Hindi ko alam, pero ngayon ganun pa din. 99% work talaga,” pahayag ni Carla.

Lilipad din papuntang Sydney, Australia ang aktres kasama ang kanyang ina. Manonood daw sila doon ng concert ni Katy Perry. Makakasama rin kaya niya doon si Tom?

Aniya, “We’ll see. Malay mo i-surprise ako bigla ‘di ba? ‘Merry Christmas’ or something. Hindi ko alam, depende sa kanya.”