Celebrity Life

Miguel Tanfelix and Bianca Umali reunite for 'Once Upon A Kiss'

By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com
 
Fresh from the success of the primetime drama Niño, Kapuso teen stars Miguel Tanfelix and Bianca Umali will once again grace your television screens as they topbill the upcoming Telebabad series Once Upon A Kiss.

Star-studded ang pinakabagong proyektong pagtatambalan ng dalawa, dahil kabilang sa mga artistang makakasama nila ay sina Michael de Mesa, Mylene Dizon, Cris Villanueva, Manilyn Reynes, Keempee de Leon, Ms. Nova Villa at Ms. Tessie Tomas. This will be under the direction of Bb. Joyce Bernal.

Abot langit ang pasasalamat nina Miguel at Bianca nang makausap sila ng entertainment press pagkatapos ng kanilang story conference last November 20.

"Malaking pasasalamat ko po siyempre sa GMA dahil second chance na po ito na binibigay sa amin, at sa families namin na walang sawang nagsusuporta, at siyempre sa mga supporters. Siyempre kay God dahil blessing ito ulit sa amin ni Bianca," pahayag ni Miguel.

Si Bianca naman, both pressured at excited na makakatrabaho niya ang ilan sa mga pinakamagagaling na aktor sa industriya.

"Hindi po maaalis ang pressure kasi nga po ibang level na ang kakayahan nila kumpara naman po sa kaya naming gawin ni Miguel. Ako po personally, excited po ako na makatrabaho sila kasi I'm very sure na maraming marami po akong matututunan."

Her love team partner agrees. "Okay rin po sa akin na maging strict sila sa amin para kami as bagong mga artista ay matuturuan po nila, at mali-lead nila sa tamang paggawa ng trabaho."

Malaki ang pinagkaiba ng characters nila dito sa mga ginampanan nila sa Niño. Handa na ba sila sa kanilang first onscreen kiss sakaling kailangan nila itong gawin?

"Kami naman po ni Miguel, susunod lang po kami sa GMA kung ipapagawa nila or hindi. Hindi rin po kasi namin sure kung puwede na po naming gawin ang mga ganun. Susunod lang po kami sa gusto nilang mangyari," sagot ni Bianca.