advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Isko Moreno from 'That's Entertainment' to "yorme" of Manila

1 of 17

Isko Moreno

Bago makilala bilang alkalde ng Maynila si Isko Moreno, dumaan muna siya sa hirap at sa pag-a-artista.

2 of 17

Batang Tondo

Batang Tondo si Isko Moreno at kailanma'y hindi niya ito ikinahiya.

3 of 17

Tondo High School

Sa Tondo High School nag-aral si Isko Moreno.

advertisement
4 of 17

Class picture

Mahanap niyo kaya siya sa kanyang lumang class picture? Kahit noong bata pa ay pansin ang pagiging mestizo ni Isko Moreno.

5 of 17

Artistahin

Kahit bata at simple lang, pansin ang pagiging artistahin ni Isko Moreno. Kaya naman, hindi kataka-takang makakuha siya ng atensyon at makapasok sa mundo ng showbiz.

6 of 17

Teen star

Nagsimula ang pagsikat ni Isko Moreno bilang isa sa teen stars ng dating Kapuso show ni German “Kuya Germs” Moreno, ang 'That's Entertainment.'

advertisement
7 of 17

Masa

Noon pa man ay mahal na ng masa si Isko Moreno.

8 of 17

Showbiz

Nakagawa ng maraming pelikula si Isko Moreno sa kasagsagan ng kanyang buhay-artista.

9 of 17

Sikat

Mas lumawak ang kasikatan ni Isko Moreno nang siya'y maging leading man ni Claudine Barretto sa pelikulang 'Muntik Na Kitang Minahal' noong 1994. Ang litratong ito ay kuha behind the scenes sa Baguio, kasama ang isa pa niyang co-star na si Beverly Salviejo.

advertisement
10 of 17

That's Entertainment days

Kahit sikat na si Isko Moreno, nakikisalamuha pa rin siya sa mga taga-Tondo.

11 of 17

Kaibigan

Ang litratong ito na kuha noong 90s ay pruwebang nanatili pa rin siyang malapit sa mga kaibigan niya sa Cebu.

12 of 17

Japan

Abot din sa mga kababayan sa ibang bansa ang popularidad ni Isko Moreno. Ito ay kanyang kuha kasama ang isang tagahanga sa Roppongi, Tokyo, Japan noong 1993.

advertisement
13 of 17

Cachupoy hair

Dumaan din sa tinatawag na Cachupoy hairstyle si Isko Moreno pero hindi pa rin maitanggi ang kagwapuhan niya.

14 of 17

Reunion

Hindi nakalimutan ni Isko Moreno ang kanyang mga guro. Kita sa litratong ito ang kanyang pagbisita sa kanyang grade 2 teachers. Ayon pa sa post ay 1st honor daw si yorme noon.

15 of 17

Personality

Marami ang malapit kay Isko Moreno dahil sa kanyang masayahin at magaan na personalidad.

advertisement
16 of 17

Bum Tenorio

Sa isang sulat ng kolumnistang si Bum Tenorio, binalikan niya ang pagkakaibigan nila ni Isko Moreno. Tinutulungan daw niya ang dating aktor sa tapsilogan nito sa Moriones, Tondo. Isa rin daw si yorme sa “bankable stars” ng GMA noong gumagawa pa siya ng mga telesine.