Celebrity Life

Marian, sure na sasama sa MMFF parade

By CHERRY SUN


Nalalapit man ang kasal ni Marian Rivera at Dingdong Dantes, tiniyak ng Primetime Queen na sasama pa rin siya sa parada ng mga bituin para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 23.

Hindi raw pwedeng biguin ni Marian si Vic Sotto dahil masaya itong kasama at maganda raw ang kanilang film fest entry.

Kwento niya, “After Enteng Kabisote 2 hanggang ngayon, walang pagbabago. Sobrang gaang katrabaho ni Bossing, nadun pa si Kuya Jose. So sobrang saya talaga nung set.”


Dalawang bagay rin ang lubos na nagpasaya sa Kapuso bride-to-be.

Good news para kay Marian nang malaman niyang siguradong dadalo sa kanilang kasal si Batangas Governor Vilma Santos. Tatlong linggo raw nagbalak ang engaged couple na personal na kausapin at imbitahin ang kanilang magiging ninang, ngunit nagkasakit ito kamakailan. 

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Marian, “After nung gumaling siya, nag-text siya, sabi niya, ‘Alam mo baby Marian, hindi mo na ako kailangan puntahan o padalhan ng invitation dahil pupuntahan ko talaga kayo. So, napaka-sweet lang, nakakataba ng puso na ganun niya kami kamahal.“

“Ngayon na okay na siya, happy kami na okay siya. Looking forward kami na makita namin siya,” sabi niya sa 24 Oras.

Ang isa pang ikinakilig ni Marian ay ang surpresang vintage car ni Dingdong na magsisilbing bridal car nila. 

Aniya, “Actually nagulat ako. Alam ko kasi na meron siyang aayusin talaga, pero hindi ko inexpect na i-po-post niya pala ‘yun sa instagram niya. Kahit ako, na-touch ako. Sabi ko nga, ako na si Rapunzel ‘di ba?!”