advertisement
Celebrity Life

#AngInit: Celebrities at ang kanilang improvised swimming pool

1 of 31

Yasmien Kurdi

Nag-set-up ng inflatable pool si Yasmien Kurdi at kanyang asawang si Rey Soldevilla upang maka-bonding ang kanilang anak na si Ayesha.

2 of 31

Marian Rivera at Dingdong Dantes

Sa isang inflatable pool din ang summer family bonding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

3 of 31

Kiray Celis

Ipinakita ni Kiray Celis ang kanyang beach body nang mag-swimming sa inflatable pool na naka-set-up sa kanilang rooftop.

advertisement
4 of 31

Jelai Andres

Likod ng pick-up truck ang ginawang swimming pool ng viral internet sensation na si Jelai Andres.

5 of 31

Camille Prats

Napawi ang init nang magkakasamang nag-swimming sina Camille Prats, VJ Yambao at kanilang mga anak na sina Nathan, Nala at Nolan.

6 of 31

Drew Arellano at Iya Villania

Sinusulit daw nina Drew Arellano at Iya Villania ang bawat sulok ng kanilang bahay kaya nag-set-up din sila ng pool para kina Primo at Leon.

advertisement
7 of 31

Agoncillo kids

Kahit medyo siksikan ay masaya ang mga anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa kanilang inflatable pool.

8 of 31

Solenn Heussaff at Nico Bolzico

Sa isang inflatable pool ang unang summer bonding nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico kasama ang kanilang anak na si Thylane.

9 of 31

Kim Molina

Miss na miss na ni Kim Molina ang dagat kaya pati ang kanyang mermaid tail ay isinuot na rin niya nang siya ay mag-swimming sa kanyang garahe.

advertisement
10 of 31

Tim Yap

Isang D-I-Y swimming pool ang sinet-up ni Tim Yap dahil sabik na sabik na siyang pumunta sa beach.

11 of 31

Aubrey Miles at Troy Montero

Nagpalamig muna sa kanilang inflatable swimming pool sina Aubrey Miles at Troy Montero kasama ang kanilang anak.

12 of 31

Bianca Gonzalez

Tuloy ang summer bonding ni Bianca Gonzalez kasama ang mga anak na sina Lucia at Carmen dahil sa inflatable pool na sinet up ni JC Intal.

advertisement
13 of 31

David Guison

Sa kanyang inflatable pool ipinagdiwang ni David Guison ang #Laborahay noong May 1.

14 of 31

Mikee Quintos

Hindi maitago ni Mikee Quintos ang kanyang saya nang makapagtampisaw sa inflatable pool kasama ang kanyang kapatid.

15 of 31

Saab Magalona

Game na game si Saab Magalona na bumabad sa kanilang inflatable swimming pool.

advertisement
16 of 31

Angelika dela Cruz 

"Sobrang init kaya paraparaan lang yan," sabi ni Angelika dela Cruz na nakipag-bonding sa kanyang pamilya sa kanilang improvised pool.

17 of 31

Cassy Legaspi

Hindi mapipigilan si Cassy Legaspi sa kanyang pagti-TikTok kahit nasa inflatable pool na.

18 of 31

Zoren Legaspi

Bumabad si Zoren Legaspi sa inflatable swimming pool para maka-recover matapos ang kanyang intense cycling workout.

advertisement
19 of 31

Pancho Magno at Max Collins

Para maibsan ang init ng panahon, nagpalamig muna sina Pancho Magno at Max Collins sa kanilang inflatable pool.

20 of 31

Chito Miranda at Miggy Miranda

Kahit nilalamig, hindi raw matanggihan ni Chito Miranda ang imbitasyon ng kanyang anak na magtampisaw sa kanilang inflatable pool.

21 of 31

Jon Lucas

Kahit hindi makapasyal, sinigurado ni Jon Lucas na maka-bonding ang kanyang anak. Nag-swimming sila sa itinayong inflatable pool sa kanilang garahe.

advertisement
22 of 31

Danica Sotto at Marc Pingris

Chill muna ang mag-asawang sina Danica Sotto at Marc Pingris sa kanilang inflatable pool sa bahay.

23 of 31

Angelu de Leon

Inflatable pool at milk tea? Sobrang cool ng summer bonding ni Angelu de Leon at ng kanyang mga anak!

24 of 31

Arthur Solinap at baby Shiloh Jane

Picture-perfect ang litratong kuha ni Rochelle Pangilinan habang nagba-bonding sa inflatable pool ang kanyang mag-amang sina Arthur Solinap at baby Shiloh Jane.

advertisement
25 of 31

Skye Anakin

Ngayong summer 2021, kasama na ni Pancho Magno ang kanyang anak na si Skye Anakin sa pagtatampisaw sa kanilang improvised swimming pool.

26 of 31

Nikki Gil at baby Finn

Sinigurado ni Nikki Gil na mag-enjoy pa rin ang kanyang anak na si baby Finn ngayong summer.

27 of 31

Gladys Reyes

Masayang-masaya ang mga anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa paglalaro sa giant inflatable pool.

advertisement
28 of 31

Raphael Landicho

Ramdam pa rin ni Raphael Landicho ang summer fun sa kanyang pool set-up sa bahay.

29 of 31

Baby Tali

Paborito ni baby Tali ang paglangoy, at pansin ng iba ang kanyang excitement nang magkaroon siya ng inflatable pool.

30 of 31

Vic Sotto and Pauleen Luna

Pati ang mga magulang ni baby Tali na sina Vic Sotto at Pauleen Luna, naki-join na sa magarang inflatable pool ng kanilang anak.

advertisement
31 of 31

Jolina Magdangal and Pele Escueta

Nakipag-bonding si Jolina Magdangal sa kanyang panganay na si Pele habang nagbababad sa inflatable tub sa kanilang bakuran.