Celebrity Life

Betong Sumaya, may kakaibang wish this Christmas

By MICHELLE CALIGAN

Ilang araw na lamang at Pasko na. Marami na sa atin ang nag-iisip ng regalong gusto nating matanggap, pero para kay Betong Sumaya, hindi para sa kanyang sarili ang Christmas gift na kanyang hinihiling.

?"Hindi na siguro material things. Ang pinaka-Christmas wish ko [is] for my sister, kasi manganganak siya next year. Magkaroon lang ng safe delivery, maging okay ang pagbubuntis niya ngayon. 'Yan kasi ang aming unang pamangkin, unang apo ng nanay ko," kuwento ng Bubble Gang mainstay, na muling mapapanood sa primetime bilang si Sebastian sa Once Upon A Kiss.

Aside from his sister, Betong also has a Christmas wish for his mother, who is retiring from being a teacher this year.

"Ang nanay ko kasi ngayon, magre-retire na after 28 years na pagtuturo. Sana ma-enjoy talaga niya ang retirement niya. 'Yung magre-relax siya, bakasyon siguro. Kailangan niya 'yun kasi never siya nag-absent eh. Kung nag-absent man siya, hindi dahil gusto lang niya. 'Yung pagtuturo niya talagang binigyan niya ng panahon."

Kung mayroon man daw siyang gustong matanggap para sa sarili niya, ito ang pahayag ni Betong.

"For myself, patuloy ko pa ring magawa ang pagpapasaya sa mga tao, lalo na sa Bubble Gang. [At] Good health at more projects sa 2015."