advertisement
Celebrity Life

LOOK: Heartthrobs noon, lolo na ngayon!

1 of 9

Aga Muhlach

Sumikat noon si Aga Muhlach sa kanyang role sa youth-oriented movie noong '80s na 'Bagets.' Nakatambal naman niya si Janice de Belen sa pelikulang 'Super-Wan-Tu-Tri' noong 1985. Kasunod nito, pumutok ang balitang nabuntis ni Aga si Janice. Pareho pa lamang silang 17 years-old noon. Ipinangak ni Janice si Luigi "Igi Boy" Mulach taong 1987.

2 of 9

Charlene Gonzalez

Nahanap ni Aga Muhlach ang kanyang forever sa katauhan ni 1994 Miss Universe Philippines Charlene Gonzalez. Nagpakasal ang dalawa sa Baguio city noong May 28, 2001. At pagdating ng Nobyembre, isinilang ang kanilang fraternal twins na sina Andres at Atasha.

3 of 9

Luigi Muhlach

May sariling nang pamilya ang panganay ni Aga na si Luigi. Sa katunayan, lolo na si Aga sa apat na anak ni Igi Boy kay Patty, na sina Alejandro, Adrianna, Anya, and Ariella.

advertisement
4 of 9

Kier Legaspi

Nakatawag-pansin din ang angking kaguwapuhan ng nakababatang kapatid ni Zoren Legaspi na si Kier Legaspi, na naging bahagi rin ng showbiz.

5 of 9

Marjorie Barretto

Nagkaroon ng anak si Kier sa dating aktres na si Marjorie Barretto, ang celebrity influencer/vlogger na si Dani Barretto.

6 of 9

Dani Barretto

Matapos ikasal si Dani sa boyfriend niya na si Xavi Panlilio noong April 2019, dumating sa buhay nila ang anak na si Millie noong September 13, 2019. Hindi pa malinaw kung nakita ni Kier Legaspi ng personal ang apo niya kay Dani, pero naka-bonding na nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel si Baby Millie.

advertisement
7 of 9

Sherwin Ordoñez

Sino ba ang hindi kinilig sa character na si JB sa youth-oriented show na 'Click,' na ginampanan noon ni Sherwin Ordoñez.

8 of 9

Shows

Maraming nagawang show si Sherwin sa Kapuso Network. Ilan sa mga ito ay ang 'Ikaw Lang Ang Mamahalin,' 'Pintados,' at 'Nuts Entertainment. '

9 of 9

Lolo Sherwin

Ibinalita ni Sherwin sa Instagram kamakailan na ang panganay niyang si Jam o July Alison Michael Legaspi-Ordonez ay may anak na. Proud lolo si Sherwin kay Baby Lucian.

advertisement