Celebrity Life

Alden wants Heart

By AEDRIANNE ACAR & MERYL LIGUNAS

PHOTO BY: ELISA AQUINO, GMANetwork.com
2014 was a good year for Kapuso drama actor Alden Richards. Matapos maka-love team ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa teleserye na Carmela nasundan pa ito ng dalawang malalaking projects ang Ilustrado at Bet ng Bayan.

Kaya tanong namin sa actor/host kung mayroon pa ba siyang mahihiling na project or artistang gustong makatambal?

Tugon ni Alden gusto niya maka-pareha sa isang project ang Startalk host at soon-to-be bride na si Ms. Heart Evangelista.

“Sana Heart Evangelista. Pero natanong ko naman siya. Tinanong ko siya kung mag-stop siya sa showbiz when she gets married. Sabi naman niya, hindi naman. As long as there are good projects for her, go pa rin”

Mukhang magaan ang loob ni Alden sa mga leading ladies niya na higit na mas matanda sa kanya. Kung pag-ibig naman ang pag-uusapan mas preferred ba ng Bet ng Bayan host ang mas mature na babae to be his special someone.

Saad ni Alden, “Older, yes. Kasi pag humanap ako ng ka-edad ko or younger than me,... I'll have more experience in terms of edad, unlike pag mas matanda, mas maraming alam. Mas hindi ako mahihirapan. At least 2 to 5 years.”

Huwag ninyong palampasin mga Kapuso ang huling Linggo ng Bet ng Bayan at tutukan ang umaatikabong tagisan ng mga grand finalist sa Bet ng Bayan Grand Finals, Pilipinas Showdown sa darating na Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.