Celebrity Life

Betong at Bentong, mag-ama sa 'Shake, Rattle, and Roll XV'

By MICHELLE CALIGAN

Dahil halos pareho ang kanilang pangalan, madalas daw na napagkakamalang ibang komedyante ang Bubble Gang mainstay and Once Upon A Kiss actor na si Betong Sumaya.

"Palagi kasi akong tinatawag na Bentong ng mga tao. Kahit sa MRT, may tatawag sa akin na 'Bentong, Bentong!' Hindi talaga ako tumitingin, pero malamang ako 'yun. Mamaya nasa tabi ko na, 'Pa-picture naman!' 'Betong po, mas maputi po ako kay Bentong (laughs),'" kuwento niya sa GMANetwork.com kamakailan.

For the first time ay magkakasama sila ni Bentong sa 'Flight 666' episode ng Shake, Rattle, and Roll XV, isa sa official entries ng 2014 Metro Manila Film Festival.

"Ngayon, siya ang kasama ko, tatay ko pa. Ang role namin dito, mag-ama na galing L.A. na pumunta ng Pilipinas. Puro English kami dito, at 'yung mga linya ko 'Daddy, I never thought there are big airplanes here in the Philippines, Daddy!' Tapos siya, 'My son, holy moly!' Kami 'yung isa sa mga magbibigay kasiyahan sa buong pelikula."

Aniya, matagal na niyang pangarap ang masama sa horror movie na ito. "Pangarap ko talaga masama sa Shake, Rattle, and Roll noon pa. Hindi ko alam kung paano. 'Yung Shake, Rattle, and Roll 1 pa lang, 'yung manananggal, parang wow. Ngayon 15 na, hindi ko akalain na makakasama ako."