After months of inactivity, nagbabalik sa Twitter ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.
Minabuti ng Kapuso actress na magbahagi ng kanyang mga saloobin sa microblogging site tungkol sa mga isyung kasalukuyang hinaharap ng bansa.
Bilang isang public figure, ginagamit ni Jennylyn ang kanyang impluwensya para matulungan ang mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Sa katunayan, laging trending ang kanyang tweets dahil sa mga matatapang niyang pahayag tungkol sa mga politikal at sosyal na usapin gaya ng ABS-CBN franchise denial, Lumad killings, at higit sa lahat mga suliraning dulot ng COVID-19. Bukod pa rito, ginagamit din ni Jen ang kanyang Twitter account para manawagan ng donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Mabigat man ang mga binibitawan niyang salita sa Twitter, hindi pa rin nakalilimot si Jennylyn na maghatid ng saya sa kanyang fans sa gitna ng pandemya. Dahil dito, binansagan siyang "bessie" ng kanyang followers dahil sa kanyang relatable at funny tweets.
Sa ngayon, may mahigit 447,215 followers na si Jennylyn sa Twitter.
Tingnan sa gallery na ito ang ilan sa mga kinagiliwang tweets ng Ultimate Star.
Meet Twitter's Bessie: Jennylyn Mercado.
Lesson to live by: protect your kilay at all cost. Nasabi ito ni Jennylyn matapos makita ang lumang video niya sa 'StarStruck.'
Pagpasensiyahan n'yo na, may buwanang dalaw lang.
Okey lang 'yan, bessie. Tao lang, nagkakamali. Deserve mo pa rin ang masarap na ulam.
The most supportive wife award goes to Jennylyn Mercado!
Spill the tea na, mga bessie.
Wait for it!
Fangirl mode on over Sarah Geronimo.
Certified Popster talaga si Jennylyn!
Ano'ng bago sa Twitterverse?
Huwag kasing nipisan ang kilay parang "linta," bessie.
Hindi ka nag-iisa, bessie!
Ready ka na, nobita?
Queen of transformation, indeed.
Sa mga nagdududang may writer si Jennylyn sa Twitter, ito ang kanyang comment.
Pwede ring, "Wala naman magbibilang kung ilang beses kang nagpakatanga, 'di ba?" sabi nga ni Tere.
O kaya "Kailan ka mag-aasawa?"
Honesty is the best policy.
Typographical error lang, bessie!
A friendly reminder from your ultimate bessie
Balat ng fried chicken is gold.
We feel you, bessie.
Bago pa man ikasal si Jennylyn kay Dennis Trillo, pabirong nagbanta si Jennylyn sa mga asawa ng karakter ni Dennis sa GMA Telebabad series na 'Legal Wives.' Sa kanyang sagot sa post ng GMA Drama, sabi ni Jennylyn, "Humanda sila…. Paparating na ang tunay na Legal Wife."