advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Kapuso stars na bumida sa 'Cinemalaya'

1 of 17

Glaiza de Castro

Award-winning performance ang ibinigay ni Glaiza de Castro sa pelikulang 'Liway' na kalahok noon sa 14th Cinemalaya Film Festival. Tatlong acting awards ang natanggap ni Glaiza sa kanyang pagganap bilang si Commander Liway.

3 of 17

Barbie Forteza

Nakakuha naman ng acting award si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza para sa pelikulang 'Mariquina.' Nakatrabaho rin niya ang Superstar na si Nora Aunor para sa pelikulang 'Tuos' na ipinalabas noong 2016.

4 of 17

Benjamin Alves 

Tatlong pelikula na ang pinangunahan ni Benjamin Alves na pinalabas sa Cinemalaya. Noong 2013, kasama si Benjamin sa romantic drama film nina Lovi Poe at Paulo Avelino na 'Sana Dati.' Matapos ang tatlong taon, bumida muli si Benjamin sa Cinemalaya film na 'Dagsin' kasama si Janine Gutierrez. Ngayong 2022, nakatrabaho ni Benjamin ang magkarelasyon sina Joem Bascon at Meryll Soriano sa pelikulang 'Angkas.'

advertisement
5 of 17

Eugene Domingo

Pinag-usapan ang karakter ng komedyanteng si Eugene Domingo sa 'Ang Babae sa Septic Tank.' Nanalo si Eugene ng Favorite Actress Award sa 2012 Asian Films Awards kung saan naging isa rin siya sa mga nominado bilang Best Actress.

6 of 17

Dennis Trillo

Bumida sa 'The Janitor' si Kapuso Drama King Dennis Trillo na ipinalabas noong 2014. Ang istorya ay umikot sa 'bloodiest bank heist' na nangyari sa Laguna noong 2008.

7 of 17

Rocco Nacino

Nakasama ni Rocco Nacino sina Jean Garcia at Paolo Avelino sa pelikulang 'Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa' na napanood noong 2011. Nanalo si Rocco bilang New Movie Actor of the Year sa 2012 Star Awards for Movies para sa pelikulang ito.

advertisement
8 of 17

Jasmine Curtis-Smith

Award-winning ang performance ni Jasmine Curtis-Smith sa pelikulang 'Transit' noong 2012. Nanalo siya ng Best Supporting Actress sa 9th Cinemalaya Film Festival dahil sa kanyang pagganap bilang si Yael.

9 of 17

Edgar Allan Guzman

Pinarangalan si Edgar Allan Guzman bilang Best Actor - New Breed noong 7th Cinemalaya Film Festival para sa pelikulang 'Ligo na Ü, Lapit na Me' na hango sa libro ni Eros S. Atalia na may kaparehong pamagat.

10 of 17

Martin Del Rosario

Kabilang si Martin Del Rosario sa pelikulang 'Dagitab' na ipinalabas noong 2014. Dahil sa kanyang natatanging pagganap, nanalo si Martin ng Best Supporting Actor sa 2015 Gawad Urian Awards.

advertisement
11 of 17

Therese Malvar

Gumawa naman ng kasaysayan si Therese Malvar nang manalo siya bilang 'Best Supporting Actress' para sa dalawang pelikula, ang 'Distance' at ang 'School Service' sa 14th Cinemalaya Film Festival.

12 of 17

Ai-Ai De Las Alas

Hindi lang sa pagpapatawa magaling si Aiai Delas Alas dahil pinatunayan niyang kaya niya ring mag-drama sa pelikulang 'School Service' noong 2018. Nanalo si Aiai ng Best Actress sa 14th Cinemalaya Film Festival.

13 of 17

Jason Abalos at Ina Feleo

Parehong nanalo ng acting awards sina Jason Abalos at Ina Feleo para sa pelikulang 'Endo' na napanood noong 2007. Tinanghal na Best Actress si Ina sa 3rd Cinemalaya Film Festival samantalang Best Actor naman si Jason sa 2008 Gawad Urian Awards.

advertisement
15 of 17

Miggs Cuaderno

Kagaya ni Mylene, napanood na rin ang Kapuso teen actor na si Miggs Cuaderno sa maraming pelikula ng Cinemalaya tulad ng 'Quick Change,' 'Children's Show,' at 'Asintado.' Nanalo si Miggs ng acting award mula sa 20th Chéries Chéris Film Festival sa Paris para sa 'Quick Change.'

16 of 17

Kokoy de Santos at Royce Cabrera

Nakilala ng mga tao sina Kokoy de Santos at Royce Cabrera nang bumida sila sa pelikulang 'Fuccbois' na ipinalabas noong 2019 kasama ang batikang aktor at direktor na si Ricky Davao.

17 of 17

Mikoy Morales

Kabilang si Mikoy Morales sa dalawang pelikula sa Cinemalaya 2023, ang 'Tether' at 'Rookie.' Para sa 'Tether,' naiuwi ni Mikoy ang Best Actor award bilang si Eric, na nagkaroon ng kakaibang koneksyon sa kanyang naka-one-night stand na si Kate (Jorrybell Agoto).

advertisement
18 of 17

Khalil Ramos

Sa kanyang kauna-unahang lead role sa Cinemalaya, ginampanan ni Khalil si James sa pelikualng 'As If It's True.' Isang musician si James na nakararanas ng depression.

19 of 17

Ashley Ortega

Sa 'As If It's True,' bumida rin si Ashley bilang si Gemma, isang influencer na paunti-unti nang nawawala ang kasikatan sa social media.