TINGNAN: Mga naipundar ng sikat na vloggers at social media stars

Dati-rati ang mga artista lamang ang humahakot ng libu-libong fans.
Tila nag-iba na ito sa paglipas ng panahon dahil ngayon, nariyan na rin ang iba't ibang vloggers at influencers kasabay ng pag-sikat ng social media sa Pilipinas.
Mapa-Facebook, YouTube, Twitter o TikTok man, gumagawa na rin ng sarili nilang pangalan ang mga social media personalities, na talaga namang hindi rin matatawaran ang kanilang kasikatan.
Bukod sa fans, kinukuha na din sila bilang endorser, habang ang iba ay napapasok na din ang mundo ng showbiz.
Kilalanin sila at alamin kung anu-ano ang kanilang mga naipundar sa gallery na ito.










































