Celebrity Life

Heart Evangelista, hindi naniniwala na malas isukat ang bridal gown

By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Tatlong linggo na lang at ikakasal na sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Kuwento ni Heart sa 24 Oras, nagsisidatingan na raw sa bansa ang mga kaanak at kaibigan niya mula Australia at Amerika.

Makukuha na rin ng TV host and actress ang kanyang ipinatahing bridal gown kay Ezra Santos next week. Ang gown naman na susuotin niya sa reception na gawa ni Monique Lhuiller ay ready na rin pero hindi pa niya binubuksan. 

Ayon kay Heart, hindi siya naniniwala sa pamahiin na malas isukat ang gown bago ang kasal.

Aniya, “At the end of the day, you just pray a lot and God will bless you, so hindi ko na sinusunod.”

Gayunpaman, ayaw daw muna niyang pakinggan ang kanyang magiging bridal march song.

“Hindi parang taping. Ayaw ko kasi ‘yung feeling na parang ni-rehearse or ano. We just want it to be very natural,” pahayag ng Kapuso bride-to-be.

Next week ay magkakaroon din ng joint bridal shower at bachelor’s party sina Heart at Senator Chiz na 80’s ang theme.

Nang tanungin kung bakit nila naisipang magkaroon ng joint celebration, sagot ni Heart, “You know we’ve seen the world. For what pa [na magkahiwalay]?”