advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Chin-Chin Gutierrez at ang kanyang relihiyosong buhay

1 of 10

Chin-Chin

Ipinanganak si Chin-Chin Gutierrez, o Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez sa tunay na buhay, noong August 22, 1969.

2 of 10

Carminia

Ayon sa kanyang panayam sa isang documentary na 'Portraits of Faith,' ang first name niyang Carminia ay religious name ng kanyang inang si Cecilia Arnaldo, na dating Franciscan nun.

3 of 10

Family 

Malaki ang naging papel ng kanyang mga magulang sa kanyang pagiging relihiyoso. Ang kanyang amang botanist at taxonomist na si Dr. Hermes Gutierrez ang nagturo sa kanya na pahalagahan ang isa sa mga pinakamahahalagang likha ng Diyos--ang kalikasan.

advertisement
4 of 10

Asian Hero 

Noong 2003, kinilala si Chin-Chin ng prestihiyosong Time Magazine bilang isa sa Asian Heroes dahil sa kanyang adbokasiyang may kinalaman sa ecological awareness.

5 of 10

Advocacy

Noong 2004 naman, iginawad sa kanyang ang The Outstanding Women in Nation's Service (TOWNS) Award para sa kanyang environmental advocacy.

6 of 10

Nun

Taong 2013, tatlong taon matapos lisanin ang showbiz, noong unang napabalitang isa nang ganap na Carmelite nun si Chin-Chin ngunit pinabulaanan ito ng kanyang dating manager na si Angela Ureta. Nilinaw ng huli na isang ecological lay worker ang dating aktres na nakikipagtulungan sa mga religious institution para sa kanyang adbokasiya.

advertisement
7 of 10

Resource speaker 

Ayon sa kanyang website, resource speaker at lecturer si Chin-Chin para sa Environmental Education, kung saan ecology and conservation ang kanyang expertise. Nakapaloob dito ang Ecological Waste Management, Sustainable Development, Ecology and Spirituality, The Integrity of Creation, Sustainable Consumer Lifestyles, Women and the Environment, at iba pa.

8 of 10

Carmelite nun

Noong March 28, 2019, ibinahagi sa Facebook ng isang nagngangalang Vicksay Josol na isa nang "full-fledged consecrated" Carmelite nun umano si Chin-Chin. Ayon pa sa post, Sister Lourdes ang religious name ng dating aktres.

9 of 10

Lolit Solis 

Noong August 17, 2020, muling nabuhay ang balitang pagpasok ni Chin-Chin kumbento nang mag-post ang veteran showbiz writer na si Lolit Solis sa Instagram. Ani ng manunulat, "isa [nang] madre ng Carmellite mission" si Chin-Chin.

advertisement
10 of 10

Prayer 

Pinuri naman ni Manay Lolit ang tinahak na landas ni Chin-Chin na malayo sa "gliterring world ng showbiz." Aniya, "Isang mahusay na artista na mas pinili ang maging madre upang masilbihan ang spiritual needs ng tao. Pray for us Sister Chinchin, iyan ang kailangan natin ngayon, ang dasal ng mga tulad mo."