Celebrity Life

Adam Levine or Channing Tatum: Kaninong diet ang sinusundan ni Derrick Monasterio?

By AL KENDRICK NOGUERA


Kung bibisitahin ninyo ang Instagram ni The Half Sisters star Derrick Monasterio, magugulat kayo sa sexy posts ng aktor dahil napakaraming photos ang nagpapakita kung gaano na kaganda ang kanyang katawan.

Ayon kay Derrick, last year pa siya nagsimulang tumutok sa gym.



Bakit kaya nagdesisyon ang aktor na dalasan ang pagbisita sa gym? “Lumalakas na kasi akong kumain eh. Hindi naman sa nagpapa-buff, kailangan ko lang i-maintain 'yung katawan ko,” sagot ni Derrick.

Dahil pasok na sa requirements ang katawan ni Derrick, hindi maiiwasang maitanong kung ready na ba siyang rumampa sa isang underwaer fashion show.

Ani Derrick, kailangan niya pa raw ng dalawang taon pang paghahanda para rito. “Sa ngayon, hindi pa [ako ready] kasi kaka-19 ko pa lang. Siguro kapag 21 na ‘ko,” saad niya.

Pero kung aalukin si Derrick na mag-pose sa isang magazine cover, ibang usapan na raw ‘yon. Aniya, “Kung cover baka hindi [ko tanggihan]. Siyempre mas maraming opportunity 'yon eh.”

Ayon kay Derrick, gusto raw niya na dahan-dahanin ang pag-shift niya sa sexy image dahil ayaw niya raw biglain ang kanyang fans. Pero kung kakailanganin daw sa isang eksena sa TV tulad sa show niyang The Half Sisters, kaya naman daw niyang magpa-sexy nang kaunti.

“Siguro kaya ko naman ang topless pero hanggang doon lang muna,” pahayag ni Derrick.

Tinanong namin sa aktor kung anong diet tips ang maibabahagi niya. Kuwento ni Derrick, nag-research daw siya ng diet plans ng sikat na Hollywood stars tulad nina Adam Levine at Channing Tatum.

Ibinahagi sa amin ni Derrick ang diet plans ng kanyang mga idolo. “Kung zero carbs tapos 100 percent protein, Channing Tatum body 'yon. Kung gusto mo naman na Adam Levine [diet], no protein, kaunting carbs tapos a lot of cardio,” saad niya.

“Ang sinusundan ko [ay] 'yung diet ni Channing Tatum,” pagtatapos ng The Half Sisters star.