Showbiz News

Bettinna Carlos, the supermom

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com


Tulad ng fabulous mom na si Regine Velasquez, bumisita ang equally gorgeous na mommy na si Bettinna Carlos sa Sarap Diva. Ano nga ba ang pinag-usapan ng dalawang wonder moms?

Ibinahagi ni Bettinna ang kanyang naging simula sa baking kung saan naging hit ang kanyang Nutella Rocks.

"I started baking siguro mga 2007 or 2008. Nag-start siya [as] hobby lang po talaga. And then I made it a business when I was a mom already. Mga 2011. The same year I gave birth to Gummy. Doon ko siya naisipan kasi at that time, being a single parent, and then I was exclusively breastfeeding, 'di ko pa mahanap sa loob ko na magtrabaho at mawalay sa kanya ng matagal."

Dagdag ni Bettinna, ipinagdasal niya umano na ang kanyang business ang sagot sa kanyang problema. Aniya, "I prayed sabi ko Lord give me naman something that can make ends meet na I don't have to leave my house to make money, ganyan. Tapos sabi niya, sige ayan, mahal 'yang hobby mo na 'yan. Pagkaperahan mo na 'yan. Might as well kasi as a hobby expensive talaga 'yung baking. Because you want it na masarap so 'yung mga ingredients mo hindi basta basta. So that's where it came about."

Ang interest niya sa pagbi-bake ay nagsimula umano sa kanyang pagkakahilig sa pandesal.

"Kung iti-trace ko siya, way way back. Bata pa lang po ako gusto ko na gumawa ng pandesal. Kasi malapit kami sa bakery ng barangay namin so every morning talaga meron kaming freshly baked pandesal na mainit tapos naaamoy mo 'yung amoy, ang bango bango. Sabi ko talaga sa sarili ko, one day gagawa ako ng tinapay."

Bettinna's baking business became famous through word of mouth. Nakatulong rin umano ang Instagram posts niya sa pagmamarket ng kanyang mga products.

Pahayag ni Bettinna, "At the start, I was into blogging also at that time. So I blog and then basically word of mouth lang din po talaga. I started selling to friends and to my lola's friends. 'Yung mga walang choice kundi bumili 'kasi sa apo ko 'to'. And
then pumasok ang Ber-months. So, papunta na 'yun, pa-Christmas. Nagkaroon na ng ideas na puwede itong pangPasko."

Kuwento ni Bettinna, ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng enough energy to work on different things at the same time ay time management at prayers.

"Siguro I have this gift of time management, good time management skills. Plus, I pray a lot. A lot talaga, kasi para magawa mo lahat. I've been free to juggle a lot of jobs and have a baby pa and still manage to at least rest a bit sometimes. At saka, you really have to want what you're doing kasi otherwise it would all stress you out."