Celebrity Life

Jennylyn Mercado, malakas kay Dennis Trillo

By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Hindi raw nahirapan si Jennylyn Mercado na kumbinsihin ang kanyang ex-boyfriend na si Dennis Trillo na mag-perform sa kanyang nalalapit na Valentine’s concert. Ready na rin kaya silang magbalik-tambalan?

“Nakiusap lang, ‘sige na naman’,” pabirong bungad ni Jennylyn. At paglilinaw ni Dennis, “Nung tinanong niya ako, wala naman akong gagawin sa araw na ‘yun, so sabi ko bakit hindi.”

Pagkatapos ng kanyang performance ay gusto rin daw ng Kapuso hunk na manatili para panoorin ang buong concert.

Aniya, “Tatapusin ko na siguro ‘yung concert.”

Sabi naman ng Second Chances star, “I’m sure marami rin, lahat sila mag-i-stay.”

Tinanong din sa 24 Oras kung masusundan kaya ito ng isang bagong proyekto na kanilang pagsasamahan.

“'Di na po namin alam. 'Di na po namin hawak ‘yun,” tugon ni Jennylyn.

“Matagal na rin ‘yung last naming trabaho na pinagsamahan,” pahayag naman ni Dennis.

Video courtesy of GMA News