Celebrity Life

Carla Abellana, may bagong admirer

By AEDRIANNE ACAR



Isa sa maituturing na promising stars ng GMA Artist Center ang actor/singer na si Ken Alfonso.

Kabilang ang dashing Kapuso hunk sa afternoon drama series na Kailan Ba Tama Ang Mali? together with Max Collins and Geoff Eigenmann.

Bukod pa diyan nag-hit sa mga Kapuso listeners sa DWLS 97.1 ang kanyang kanta na ‘UMAASA’ na napabilang sa The Big Ten countdown last September 2014 at naging theme song ng koreanovela ng Kapuso Network na ‘Secret Love’.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken naikuwento nito na memorable ang guesting niya sa Sunday night comedy show na Ismol Family.

Lalo na noong naka-trabaho niya ang GMA-7 prized talent na si Ms. Carla Abellana.

Kuwento ng Umaasa singer, “Nakakatuwa naman po. Actually very natural sa kanila ‘yung pagiging komedyante especially si Ms. Carla nung siyempre siya po ‘yung naka-scene ko. Nakakatuwa sana makabalik po ako dun.”

Dahil sa hindi maikakailang paghanga ng baguhang aktor kay Carla, itinanong namin kung nasa aktres na ba 'yung mga qualities na hinahanap niya sa isang babae?

“Yes naman! Wala ka nang kumbaga ibang maitatapon kapag si Ms. Carla Abellana na ‘yun kasama mo eh.”