IN PHOTOS: Funniest memes of Aiai Delas Alas as 5th member of BLACKPINK

Certified BLINK ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas kaya naman pagdating sa kanyang mga production number sa 'The Clash' at 'All Out Sundays,' pinipili niyang i-perform ang mga hit single ng BLACKPINK.
Pinag-e-effortan ni Aiai ang kanyang mga costume para mala-K-pop ang dating ng kanyang stage presence.
Inaaral din niya ang lyrics ng kanyang kakantahin at hinahaluan ng komedya, bagay na hindi nagustuhan ng maraming BLACKPINK fans.
Sa halip na mainis, nagpasalamat pa ang Comedy Queen sa kanyang mga basher.
"Sa lahat ng mga natuwa, salamat po. Next time mas gagalingan ko pa para lalo kayong maging masaya. Sa mga bashers, thank you din napansin n'yo ako at salamat sa maraming oras n'yo," sulat niya sa isang Instagram post.
Pangarap daw ni Aiai na maging fifth member ng all-female K-Pop quartet kaya naman sinakatuparan ito ng netizens sa pamamagitan ng memes!
Kung "bias" mo si Aiai, tingnan ang gallery na ito.












