GMA Logo Aiai Delas Alas
What's on TV

Aiai Delas Alas, nagpasalamat sa bashers matapos mag-trend ang kanyang "Ice Cream" prod number sa 'The Clash'

Published November 3, 2020 1:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd seeks private sector to help bridge digital gap faced by Pinoy learners
8 DWPH officials in Davao Occidental surrender over ghost project
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


"Salamat sa maraming oras n'yo," sabi ng Comedy Queen sa kanyang bashers.

Matapos ang kanyang viral "How You Like That" production number sa All-Out Sundays, muli na namang pinag-usapan si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa social media nang kantahin niya ang isa pang hit song ng BLACKPINK na "Ice Cream" bilang opening number ng The Clash noong Sabado, October 31.

Aiai Delas Alas Ice Cream number trends on Twitter

May mga natuwa sa performance ni Aiai pero hindi ito nagustuhan ng marami lalo na ng K-pop fans.

Gayunpaman, relaxed lang ang The Clash judge sa mga pumupuna sa kanyang opening number.

"Sa lahat ng mga natuwa salamat po, next time mas gagalingan ko pa para lalo kayong maging masaya," ika niya sa kanyang Instagram post noong Lunes, November 2.

Dugtong pa niya bago ang #yearningtobethe5thgirlofBP, "Sa mga bashers, thank you din napansin n'yo ako at salamat sa maraming oras n'yo hehehe..."

Ayon sa panayam kay Aiai ng ilang entertainment reporters sa virtual mediacon ng The Clash Season 3 noong September 30, sinabi niyang hindi na siya naaapektuhan ng pamba-bash dahil sanay na siya makatanggap nito.

Sa katunayan, may mga bagong meme na namang nabuo sa social media ukol sa pagiging fifth member niya ng BLACKPINK.

Samantala, may isang netizen ang nag-request kay Aiai na i-perform din ang third single ng BLACKPINK na pinamagatang "Lovesick Girls" mula sa bagong album ng South Korean girl group.

Aiai Delas Alas answers netizen

Sagot ng Comedy Queen, "sa grand finals hahhaa tnx."

Panoorin ang opening number ni Aiai para sa The Clash noong Sabado rito:

Kung naaliw kayo kay Aai, patuloy na subaybayan ang The Clash every Saturday, 7:15 p.m., and Sunday, 7:45 p.m. sa GMA-7 para sa iba pang K-pop production numbers.

Mayroon ding livestreaming ang bawat episode nito sa Facebook page at YouTube channel ng programa.