advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Pag-alala sa buhay ni April Boy Regino

1 of 17

April Boy Regino 

Ipinanganak noong April 9, 1969 si Dennis Regino Magloyuan Magdaraog na kilala natin ngayon bilang si April Boy Regino.

2 of 17

April Boys 

Sumikat ang kaniyang banda na April Boys kasama ang mga kapatid niyang sina Vingo at Jimmy Regino noong '90s.

3 of 17

Paano Ang Puso Ko 

Sino ang makakalimot sa 1996 hit ng April Boys na "Paano Ang Puso Ko?"

advertisement
4 of 17

Di Ko Kayang Tanggapin 

Sinundan nila ang kanilang 1996 hit ng kantang "'Di Ko Kayang Tanggapin." Wala yatang makakakanta nito nang hindi ginagawa ang signature pose ni April Boy na magka-ekis ang mga braso.

5 of 17

Ye Ye Vonnel 

Noong taong 2005 naman ni-release ni April Boy ang kaniyang novelty song na "Ye Ye Vonnel" na may kasama pang dance moves.

6 of 17

GMA Records 

Taong 2015, pumirma ng kontrata si April Boy under GMA Records na kilala ngayon as GMA Music. Under GMA Records, ni-release niya ang kantang "Tanging Hiling."

advertisement
7 of 17

Wagas

Tampok ang buhay ni April Boy sa isang episode ng 'Wagas' na ginampanan ni Aljur Abrenica.

8 of 17

Iconography 

Parte na ng pagkakakilanlan kay April Boy ang kaniyang mga cap na lagi niyang suot-suot.

9 of 17

Madel Regino 

Ikinasal si April Boy sa asawa niyang si Madel noong 1984.

advertisement
10 of 17

Family 

Nagbunga ang pagmamahalan nina April Boy at Madel ng dalawang anak na sina Charm at JC.

11 of 17

Charm Regino 

Isa na ngayong online content creator ang anak ni April Boy na si Charm.

12 of 17

JC Regino 

Gaya ni April Boy, sinundan ni JC ang yapak ng kaniyang ama sa pagiging isang musikero at mang-aawit.

advertisement
13 of 17

USA 

Taong 2005 nang nag-migrate si April Boy kasama ang kaniyang pamilya sa Estados Unidos.

14 of 17

Prostate Cancer

Na-diagnose si April Boy sa sakit na prostate cancer taong 2009 noong sila ay naninirahan sa Amerika. Pagkatapos dumaan sa mga treatments, kinalaunan ay gumaling siya at naging cancer-free noong 2013.

15 of 17

Diabetic Retinopathy 

Pagkatapos ng kaniyang laban sa cancer, nagkaroon naman si April Boy ng diabetic retinopathy noong 2015 na kumuha ng kaniyang paningin sa isang mata.

advertisement
16 of 17

Passed Away 

Noong November 29, 2020, ibinalita ni Vingo Regino sa kaniyang Facebook na yumao na ang beteranong singer.

17 of 17

Idol 

Kahit yumao na si April Boy, mananatili sa ating mga puso at alaala ang mga iniwan niyang awitin na tiyak na kakantahin pa natin ilang taon man ang lumipas.