Celebrity Life

Simula na ng taping ni Dingdong Dantes para sa 'Pari Koy'

By MARAH RUIZ

Pagkatapos ng romantic getaway ng bagong kasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Palawan noong nakaraang Valentine's Day, sumabak na kaagad ang Kapuso Primetime King sa taping ng bago niyang seryeng Pari Koy.

Pilit daw nilang isiningit ang impromptu na bakasyon dahil alam nilang pareho na silang magiging busy.

Sa Pari Koy, gaganap si Dingdong bilang Father Kokoy. Ito ang first time niyang pagganap bilang isang pari. Pero ayon sa kanya, hindi regular na pari lamang itong role niya.



"Sa character ni Father Kokoy, maraming mga paring tinatawag nating rockstar, 'di ba?" paglalarawan ni Dingdong sa kanyang karakter nang maabutan siya ng 24 Oras sa set.

Maraming mga artista ang inaasahang mag-guest sa Pari Koy. Isa sa mga ito ay si Mark Herras, na nakasama kaagad sa unang taping pa lang.

"Ngayon lang kami ulit ni Kuya 'Dong nagkasama sa trabaho. First time ko din na makatrabaho si direk Maryo J. [de los Reyes,]" bahagi ni Mark.

Tulad ni Mark, napasama na din si Kris Bernal sa unang taping day.

"Siyempre iba 'yung feeling na maging parte ka ng show ni Dingdong. Salamat, kasi na-consider ako dito na mag-guest and maka-eksensa si Dingdong," sambit ng February cover girl ng Muse.ph.