Celebrity Life

Is Kylie Padilla willing to work with her ex Aljur Abrenica?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Diretsong sinagot ng More Than Words star Kylie Padilla kung handa ba siyang makatrabaho ang ex niya na si Aljur Abrenica. 

Ayon sa ulat ni Luanne Dy sa Unang Hirit, wala raw problema ang mestiza beauty kung muli niyang makakasama sa isang project ang napapabalitang nagbabalik Kapuso na si Aljur.

Ani ni Kylie, “It’s okay. Oo of course. Kasi, professionalism, it’s more important than ‘yung mga personal [na bagay].”

“Pero sana maganda ‘yung story, 'yun lang naman. If ever man tatangi ako, it’s because I don’t like the story.”

Dagdag pa ni Kylie, naghahanda na daw ang aktor sa kanyang comeback sa telebisyon.

Saad niya “He’s excited. He’s preparing naman for his comeback.”

Matatandaan na kinumprima ni Kylie sa isang panayam ng Startalk noong May 2014 na split na sila ni Aljur.