Celebrity Life

Tuloy ang tawanan with Betong and Sef Cadayona in 'Sabado-badoo'

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Boring ba ang inyong Sabado?

Huwag kayong mag-alala mga Kapuso. Simula March 14, 6pm before Pepito Manaloto, isang bagong TV show ang mapapanood ninyo sa Kapuso network na magbibigay saya tuwing Sabado ng gabi.

Abangan ang nakakatuwang tandem ng multi-awarded comedian na si Sef Cadayona at grand winner ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles showdown na si Betong Sumaya sa Sabado-badoo.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Sef, magbabalik tanaw raw sila ni Amazing Betong sa bagong offering ng GMA-7.

Aniya, "It’s a show wherein ipapakita natin ‘yung mga dating mga kinagawian ng mga Pilipino. In terms of sa showbiz, sa mga produktong nagamit noon, sa mga teknolohiyang ginamit noon na siyempre hindi natin maiiwasan bigyan ng katatawanan dahil naiisip natin baduy.”

“Pero nung mga panahon na 'yon eh 'yun ang in na in sa kanila. So, gagawin namin ‘yun. We're gonna add characters na magpo-portray ng mga lumang lengguwahe, mga lumang kinagawian noon. Kasama ko siyempre si Kuya Betong Amazing.”

Magiging kaabang-abang ang Sabado-badoo dahil mapapanood ng mga loyal Kapuso televiewers ang chemistry nina Sef at Betong. Bukod pa diyan tatalakayin ng show ang past at present trends na pinag-usapan at pinagkaguluhan.

“Dito makikita nila ‘yung chemistry naming dalawa. I guess that’s about it dahil ayoko magbigay pa ng information about dun sa show dahil kailangan mapanood nila para makita nila.”

“From Bubble Gang to Sabado-badoo, they will see our chemistry as a duo or as a tandem,” dagdag pa ni Sef.

Ilang tulog na lang at mapapanood niyo na ang Sabado-badoo, coming soon on GMA.