Showbiz News

#FromTheArchives: Dingdong and Marian speak up on Karylle's 'cheating ex-BF' claim

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com


Parehong hindi nakaligtas ang Kapuso Royal Couple at ngayong Mr. and Mrs. Dantes na sina Dingdong at Marian sa mga tanong ng entertainment press hinggil sa sinabi ng aktres at ex-girlfriend ni Dong na si Karylle na may dati daw siyang boyfriend na kinaliwa siya.

Unang nakausap ng press si Marian sa story conference ng kanyang upcoming teleserye na The Rich Man's Daughter, kung saan makakasama niya sina Glaiza de Castro, Luis Alandy at Katrina Halili, na ginanap noong Lunes, March 2, 2015.

"Wala din naman akong mapapala kung magku-comment ako. Positive na lang," paunang pahayag ng Kapuso Primetime Queen.

Aniya, maraming magagandang nangyayari sa kanyang buhay para maapektuhan siya ng mga ganitong balita.

"'Yun pa lang kinasal ako sa taong mahal ko ay napakagandang biyaya na 'yun sa akin. Kung may mga ganyang pagkakataon, hayaan na lang natin. As long as hindi naman ako nasusugatan, hindi naman ako nagdudugo, 'di ba? Hayaan na lang."

Kinagabihan, sa press conference ng Pari 'Koy, si Dingdong naman ang hiningan ng reaction.

"Narinig ko nga. Pero wala namang sinasabi na ako 'yun so I don't want to assume naman. If I react prematurely about a statement that's not clear, hindi rin naman maganda. Basta para sa akin, ipagdarasal ko na lang sila."

May choice naman daw siyang sagutin ang issue pero tulad ng kanyang asawa, he's too happy to feel the negativity being thrown at him.

"I'm happy. I'm happily married. Baka hindi talaga maaalis 'yun. The happiness and the love supersedes and overcomes all negativity and that's all that matters."

Since they broke up, Dong has only spoken about his failed relationship with the singer-actress once, at para sa kanya ay sapat na 'yun.

"I don't want to open answering questions about her because again, I have not answered before din naman anything about it. Although I spoke once in a magazine about it and para sa akin, okay na 'yun. Tama na 'yun."