Celebrity Life

'Ginawa ko yan?' - Steven Silva on auditioning for 'StarStruck'

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY JASMIN TAN, GMANetwork.com

Naging guest judge si StarStruck season five Ultimate Male Survivor Steven Silva sa provincial auditions ng bagong season ng show sa Davao.

Inamin niyang noong pinapanood niya ang mga StarStruck hopefuls ay hindi siya makapaniwalang pinagdaaanan niya ang mga ginagawa nila.

“Naging guest judge ako sa [isang leg ng] audition [at] nakakatuwa kasi naisip ko, ‘ako yun eh!’ sabi niya.

Iba’t-ibang emosyon ang kanyang naramdaman habang nag-ju-judge at kabilang dito ang pagka-miss, pagpapasalamat at gulat.

“Bawat auditionee, kailangan sabihin yung ‘Watch out, I’m gonna be a star. Dream, believe, survive,” aniya. “(Sabi ko sa sarili ko), ‘Wow, ganyan ba ko? Ginawa ko yan?’ 

Excited na rin daw si Steven na makilala ang contestants ng bagong season at sa posibildad na mag-guest silang mga alumni sa show.

“[Siguro] mag-gue-guest rin kami so [exciting 'yun] and it would be nice to go back to the show and meet the new contestants,” dagdag niya.

May tip ba siya sa mga StarStruck hopefuls para manalo rin sila? “Wag mahiya. [This could be] the biggest chance that you’ll have so do your best para no regrets. Walang ‘Sana nagawa ko 'yun.’ Just do your best and be yourself,” payo niya.