Celebrity Life

Sef Cadayona sets the record straight on break-up with Yassi Pressman

By AEDRIANNE ACAR



Diretso sinagot ng Sabado-badoo host na si Sef Cadayona ang mga tanong ng entertainment press tungkol sa break-up nila ng former Kapuso tween star na si Yassi Pressman. Sa pocket presscon ng kanilang bagong show ni Betong Sumaya na ginanap sa 17th floor ng GMA Network nito lamang tanghali, March 5, nagsalita ang comedian.

Matatandaan na December 2013 noong umamin si Yassi na naghiwalay na sila ni Sef na siya ring una niyang boyfriend. Naging close daw ang dalawa habang ginagawa ang pelikula na ‘Kaleidoscope World’ na isa sa mga entry noon sa 39th Metro Manila Film Festival.

May mga lumabas din na bali-balita na isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ay dahil daw sa Bubble Gang co-star ni Sef na si Kapuso babe Andrea Torres.

Ayon kay Sef mutual decision daw nila ni Yassi na maghiwalay.

“Ano po siya pinag-usapan namin,”saad ng aktor.

Ayaw na din ng Sabado-badoo star na patulan pa ang mga tsismis na siya daw ang nakipag-break kay Yassi.

Ani ni Sef, “Eh kasi ewan ko siya ‘yung madalas na nagsasabi (si Yassi) eh ng mga feelings niya. Ako naman bilang lalaki never ako magsasalita dun.”

“Kung ano man ‘yung saloobin niya bahala na siya.”