Celebrity Life

Bea Binene, ready na bang magmahal ulit matapos ang breakup kay Jake Vargas?

By AL KENDRICK NOGUERA



Kamakailan lang nang aminin ni Bea Binene na break na sila ng kapwa Kapuso teen star na si Jake Vargas. Ngayong single na ulit ang aktres, ready na kaya siyang magmahal ulit?

“Hindi naman 'yan kapag ready ka na o hindi eh. Nasa oras lang 'yan, nasa tamang sitwasyon. Pero ako ngayon, hindi ko muna iniisip 'yon kasi ang dami pang puwedeng pagtuunan ng pansin,” sagot ni Bea sa GMA News.

Ayon pa sa report ng Unang Balita, kahit daw break na sina Bea at Jake ay nagpapansinan pa rin naman daw ang dalawa kapag nagkikita. Pero ang diin daw ni Bea, malabo pa na magkabalikan sila ngayon.

Ayon nga kay Bea, maraming bagay ang pinagtutuunan niya ng pansin ngayon. Isa na rito ang kanyang bagong project bilang guest character sa Afternoon Prime soap na Yagit.

“Ako rito si Jam. Ako 'yung magiging protektor ni Eliza 'tsaka ako 'yung tutulong sa kanya na makabalik sa pamilya niya,” paglalarawan ni Bea sa kanyang role.

Kasabay pumasok ni Bea sa Yagit si Kiko Estrada na magiging tagapagtanggol nina Jam at Eliza laban sa isang mapagmalupit na pidopilyang foreigner. Matatandaang nagsama rin ang dalawa sa Strawberry Lane last year.