Ipinakita ni Andrea Del Rosario ang farm na pagmamay-ari ng kaniyang boyfriend na professional polo player sa U.S. at dito sa Pilipinas na si Anthony Garcia.
Sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition' ay nagbigay ng virtual tour si Andrea.
Marami raw na ininvest si Andrea sa farm na ito. Kuwento ng aktres at dating vice mayor sa Calatagan, Batangas, "Nakiki-hacienda na rin ako. I own a few animals."
Dagdag pa niya, "nag-invest ako sa baka, nag-invest ako sa kambing, sa manok. So nakiki-hacienda talaga ako dito."
Silipin ang 6-hectare farm nina Andrea at Anthony.
Ipinakita ni Andrea Del Rosario ang farm na pagmamay-ari ng kaniyang boyfriend na isang professional polo player na si Anthony Garcia.
Ayon sa aktres, nakiki-hacienda siya sa property ng kaniyang boyfriend at naglagay rin siya rito ng kaniyang investments.
Kuwento ni Andrea Del Rosario, 6-hectares ang laki ng farm na ito.
Marami ring puwedeng pumunta sa farm dahil mayroon itong 7 bedrooms.
Isa sa kaniyang ibinahagi sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition' ay ang kaniyang investments sa farm.
Umaabot raw sa 300 manok ang makikita sa kanilang farm sa Calatagan, Batangas.
Inamin ni Andrea Del Rosario na ang kaniyang mga kinikita ay napupunta rin sa farm.
May nabili raw si Andrea Del Rosario na mga Boer goat mula sa States.
Saad ni Andrea Del Rosario, kung ang ibang celebrities ay mahilig sa pamimili ng designer bags at shoes, siya ay nag invest naman sa livestock.
Ipinakita ni Andrea Del Rosario ang ruweda sa kanilang farm.
Ang anak niyang si Bea ay doon raw nakakahanap ng signal para sa kaniyang online classes.
Enjoy na enjoy si Andrea Del Rosario at si Bea sa kanilang bonding moments sa farm.
Tinatawag ni Andrea Del Rosario na farm girl ang kaniyang anak sa mga Instagram posts sa Batangas.
Ipinasilip rin ni Andrea Del Rosario ang kaniyang farm look at OOTD.
Hands-on si Andrea Del Rosario sa ilang mga gawain sa farm.