Celebrity Life

‘Survivor Philippines’ hunk had the most surprising reaction to Mikael Daez’s gay character

By AEDRIANNE ACAR

Remember the hot baker who was once the apple of Bernie's eyes?

Siya ay walang iba kundi ang Survivor Philippines winner na si JC Tiuseco.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay JC sa press conference ng GMA primetime soap na Pari 'Koy, sinabi nito na sobra daw siyang nag-enjoy na maging guest sa weekend family oriented show na Ismol Family kung saan naging baker siya ng ‘bekiry’ business nina Bernie (played by Mikael Daez) and Majay (Carla Abellana).



“Sobrang saya kasi behind the camera naman nakakasama ko talaga si Mikael sa basketball every Sundays with the Bubble Gang cast, tapos pag may mga out of town shows, 'tsaka dati pareho kami ng manager. So, masaya!” saad ni JC.

Kuwento ng Kapuso actor hindi daw siya nagdalawang isip na tanggapin ang role bilang panadero na pinagnanasahan ni Bernie.

“Actually hindi eh. Kasi pinagtawanan agad namin ni Mikael, binabasa pa lang namin ‘yung script.”

“Sabi ko ‘Pare nakakatuwa ‘tong gagawin natin’. 'Tsaka sobrang game naman si Mikael to do the scene.”

Sa katunayan, gusto din daw niya pasukin ang pagko-comedy tulad ng kapwa niya hunk na si Mikael Daez na effective bilang gay best friend ni Ryan Agoncillo.

“Actually oo. Hindi ko inakala na kaya kong gawin ‘yung ganung comedy. Pero surprisingly sobrang nag-enjoy ako sa Ismol Family. Sobra!”